Catriona, #Mask4AllPH nakalikom ng P1.15M para sa sweldo ng mga gumagawa ng free face mask
UMABOT sa mahigit P1 million ang nalikom na donasyon ng isa sa mga charity projects na sinusuportahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Inihayag mismo ng Pinay beauty queen sa kanyang social media account ang tungkol dito na siguradong maraming makikinabang, kabilang na ang mga nawalan ng trabaho.
Ayon kay Catriona, umabot sa P1.15 million ang natanggap na tulong ng “Mask4AllPH,” na bahagi pa rin ng “Bayanihan Musikahan” coalition na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan.
“#Mask4AllPH, Thanks to your support, our ongoing initiative to provide both livelihood and free masks for the vulnerable sectors of our community has raised over Php1.15M and we have been able to pay wages to our 71 women seamstresses and produce more than 19,000 face mask.
“But we still need your support to continue to broaden our reach and help provide more jobs and free face masks to the community!
“Please visit www.mask4allPH.com for more info and also info on how to donate! Thank you!!! Stay Safe!!” pahayag ni Catriona.
Sabi pa ng dalaga, kailangang ma-sustain ang pagtulong nila sa lahat ng dapat maabutan ng ayuda hangga’t wala pang kasiguruhan ang lahat dulot ng pandemya.
Bukod dito, ginagamit din ni Catriona ang kanyang powers at impluwensiya para sa mga programa ng Young Focus para naman makapagbigay ng bigas at makapagpatayo ng computer centers para sa mahihirap na estudyante sa Tondo, Manila.
Kamakailan, bumandera rin ang balita tungkol sa pagkakahirang sa Pinay Miss Universe bilant bagong ambassador ng Philippine Red Cross.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.