8 dayuhang terorista sa bansa, minomonitor ng AFP
Walong terorista na nagtatago sa bansa ang masusing binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa budget briefing ng Department of National Defense sa Kamara, sinabi ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na ang mga dayuhang terorista ay ilegal na pumasok sa bansa.
Dagdag pa ni Gapay, may minomonitor silang 29 na pinaghihinalaang terorista na nasa ilalim ng kanilang watch list.
Gumamit aniya ng backdoor ang mga dayuhan sa pagpasok sa bansa.
Patuloy din ayon kay Gapay ang pagberipika nila sa mga impormasyon tungkol sa mga dayuhang nasa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.