Pang-asar ni Nikki sa Manila Bay project ng DENR: Nakakaangat ba ng buhay ang white sand?
ISA si Nikki Valdez sa very vocal in articulating her thoughts sa mga ganap sa showbiz at sa politika.
In fact, isa siya sa matatapang magpahiwatig ng kanyang opinion sa mga issues, which puts her in controversies.
Madalas kasi siyang ma-bash ng mga trolls na walang pinag-aralan, walang urbanidad at walang ambag sa lipunan.
Isa sa pinalagan ni Nikki ay ang controversial project ng DENR na maglagay ng synthetic white sand sa Manila Bay.
Ang feeling ng Kapamilya actress, mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga frontliners at mga stranded individuals o kaya mga school children na walang pambili ng gadgets for online learning education.
“Gustong sagipin ang Manila Bay pero walang pakialam sa front liners, ABSCBN employees, LSI at mga estudyante na walang gadget para makapasok sa eskwela. Nakakaangat ba ng buhay ang white sand???”
That was her tweet recently which drew mixed reactions.
May isang basher ang walang takot na kumontra ka Nikki and said, “Mas gusto mo ba humiga sa basura Nicki!???”
Sarcastic naman itong sinagot ni Nikki ng, “You talking to me? Wrong spelling name ko eh. Pakitama muna tapos sagutin kita. Okee?”
“Si Nicki Minaj ata tinutukoy nito,” say ng isang fan ng Kapamilya actress.
“White sand kuno or basura lang daw choice Ms Nikki. Yun lang kasi kinakaya ng utak nila,” wailed another supporter of the actress.
“Sagutang tanga talaga makukuha mo sa mga yan. Di magets yung napakasimpleng point mo,” said another fan of Nikki.
* * *
Nakatutuwa ang effort ng mga ordinaryong mamamayan na sumusuporta sa PIRMA Kapamilya initiative na naglalayong makalikom ng 7 million signatures sa buong bansa para sa People’s Initiative campaign for ABS-CBN.
Marami ang dumadayo pa sa ABS-CBN compound para lang sa signature campaign para sa pagbabalik ng number one network. Marami ang talagang pumila pa para lang makapirma.
Isa na rito ay si Michelle Doydora na isa palang fan nina Jodi Sta. Maria and Richard Yap. Nag-volunteer pa itong mag-assist sa booth that was set up by the National Union of Journalists of the Philippines.
Kasama pa ni Michelle ang ilang member ng Chard-Jodi fans.
May isa pang ABS-CBN supporter, si Imelda Capulong na isa palang bakery owner mula sa Palanan, Makati na nag-offer na dalhin sa lugar niya ang PIRMA Kapamilya sheets para makapirma ang kanyang mga kabarangay.
Isa pang supporter, si Sylvia Escobar, ay nag-request ng copy ng form para i-distribute sa mga parishes sa kanyang lugar.
“Habaan lang ang ating mga pisi dahil matinding pagsubok dinadanas natin sa bayan. Kapit lang tayo sa Diyos dahil walang imposible sa Kaniya,” say ni Sylvia.
Ang Pirma Kapamilya ay inisyatibo ng volunteers na naglalayong makakalap ng pitong milyong signature para maisagawa ang People’s Initiative na naglalayong mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN matapos itong mapasara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.