Chynna maswerte kay Kean: Kind soul at may itsura ka rin naman, so bonus! I love you bro!
MARAMING pinakilig ang Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza sa super sweet na message niya para sa asawang si Kean Cipriano.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Chynna ang throwback picture nila ni Kean bago sila magpakasal.
“Thinking about the exact feeling we had when we were about to enter the church…Such peace & comfort knowing that God was pleased,” ang inilagay niyang caption dito.
Kuwento pa ng “Idol sa Kusina” host, “On both wedding dates 2015 & 2017, I knew I was on the right path. Not a tinge of doubt or anxiousness was present in my being.
“I prayed for a partner and Kean came into view. He isn’t perfect but I was able to see past all his small faults & straight into his heart.
“Kind soul you got there sir…and oo nga naman may itsura ka rin naman…so bonus! I love you bro!” papuri pa niya sa asawa.
Sa huling bahagi ng kanyang caption, pinasalamatan ni Chynna sa Kean para sa lahat ng pinagsamahan nila at magagandang alaala na napakasarap daw balik-balikan.
“Salamat sa lahat lahat. Hindi pa natin anniversary.. trip ko lang mag express ng pagmamahal at gratitude sa iyo at sa Maykapal,” sey pa ng Kapuso actress.
* * *
Katulad ng maraming celebrities, may bagong natutunang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine.
Ipinakita niya ito sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng YouTube channel niya na E-Sing Lutuin.
Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutunan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.”
Unang pinag-eksperimentuhan ng singer ang Shrimp Aligue ala Anthony Rosaldo.
Panoorin ang unang sabak ni Anthony sa kusina sa kaniyang latest vlog sa YouTube!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.