Bitoy: Nai-imagine ko na kung ano ang itsura ng Simbang Gabi this year | Bandera

Bitoy: Nai-imagine ko na kung ano ang itsura ng Simbang Gabi this year

Ervin Santiago - September 08, 2020 - 09:17 AM

 

 

NAPAPAISIP ngayon ang TV host-comedian na si Michael V kung paano ise-celebrate ng mga Pinoy ang Pasko sa darating na Disyembre.

Nagsimula na nga ang “ber” months, senyales na nalalapit na ang Kapaskuhan pero hindi maiwasan ng ilan sa atin ang makadama ng lungkot dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Sa isang Instagram post ni Bitoy, naitanong niya sa kanyang mga tagasuporta at social media followers kung paano kaya ipagdiriwang ng mga Pinoy ang tradisyunal na Simbang Gabi.

Kasabay nito ang pagpapakita niya ng isang Christmas tree habang nanood ng online misa. Aniya, “Hindi ko wini-wish pero nai-imagine ko nang ganito ang itsura ng Simbang Gabi this year.”

May mga nagkomento sa post ng Kapuso comedian at sinabing wala namang magagawa ang publiko kundi ang sundin ang ipinag-uutos ng gobyerno hinggil sa COVID-19 pandemic.

Pero mas marami pa rin ang nananatiling positibo at naniniwalang magiging maligaya pa rin ang Pasko kahit pa may pandemya.

Samantala, ibinahagi naman ni Bitoy at ng asawa niyang Carol Bunagan ang ilan sa mga natutunan nila sa panahon ng pandemya sa special comeback episode ng “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento” nitong nagdaang Sabado.

Alam naman ng lahat na matinding hamon ang hinarap ng pamilya ni Bitoy nang tamaan siya ng killer virus at kung paano niya nalagpasan ito.

“Pareho kami ng sini-share ni Ayoi (Carol), ‘yung misis ko, na parang hindi enough ‘yung tulong na nagawa mo para sa kapwa, meron pa. Puwede pa.

“Marami ka pang puwede tulungan, kahit malaki, kahit gaano kaliit. Basta ‘yun din ‘yung tinuturo namin sa mga anak namin, maganda na makahanap ka ng kahit maliit na project na may narinig ka na kailangan ng tulong.

“Mag-reach out ka kahit paano. Hindi kailangan dahil meron kang ibibigay na pera o pagkain o kung ano man.

“Yung simpleng pagtawag lang, ‘yung simpleng pag-text lang, malaking bagay. Meron kang ganu’n na nae-extend na tulong sa kapwa mo, actually kahit hindi mo kakilala,” tuluy-tuloy na pahayag ng komedyante.

Diin pa ni Michael V, mas ganado raw siyang tumulong ngayon matapos tamaan ng COVID, “Lalo pa ako, mahilig ako mag-post sa social media kaya noong nakita ko parang responsibilidad ko na makatulong sa kahit sinong nanood sa akin, e, ginawan ko ng paraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yung pagiging positive noong katawan ko sa COVID, e, ginawan ko na lang into something na positive na deed.”

“Ang payo ko sa lahat ng nanonood ngayon, lagi kayo mag-ingat. Laging siguraduhin na malinis palagi ‘yung mga kamay ninyo at saka ‘yung mga paligid ninyo at para talagang walang makapasok na mikrobyo o virus sa loob ng pangangatawan n’yo,” paalala pa ng Kapuso comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending