Urinary stones | Bandera

Urinary stones

Dr. Hildegardes Dineros - August 23, 2013 - 07:00 AM

(Ikalawa sa tatlong serye)

SIMULA sa kidney o bato, dadaloy ang ihi papunta sa urinary bladder o pantog sa pamamagitan ng isang tubo na ang tawag ay ureter at maiipon sa pantog ng ilang oras. Kapag puno na ito, makakaramdam ng pagsisikip sa puson at magkakaroon ng tawag ng pag-ihi. Lalabas naman ang ihi sa pantog sa pamamagitan ng isa pang tubo, ang urethra.

Sa malusog na katawan, hindi basta-basta lalabas ang ihi nang walang kontrol, at hindi rin mahihirapan ang paglabas nito kapag walang bara.

Ang pinakamadalas na sanhi ng pagbabara sa urinary tract ay ang pagkakaroon ng urinary stones o mga bato at parang buhangin.

Ang kidneys ang gumagawa ng ihi sa pamamagitan ng pagsala sa dugo para maalis ang mga “waste products” o basura sa katawan ng tao na dulot ng metabolism. Nagkataon lang na kailangan ng tubig para mailabas ang mga basurang ito kaya mayroong ihi. Ito ang rason kung bakit kinakailangang uminom ng maraming tubig para makaiwas sa sakit sa bato.

Kapag ang “substrate concentration” gaya ng uric acid, oxalates, at iba o kaya naman ay mayroong pag-iipon ng ihi dahil may bara dahil sa paglaki ng prostate gland, maaaring mamuo ang mga buhangin at maging bato. Maaari rin na mamuo ang bato dahil sa “pH” o acidity ng urine.

Kadalasan ay nag-uumpisa ito sa kidneys pagkatapos ay mahuhulog sa mga daluyan ng ihi, at kapag mas malaki ang bato kaysa sa daanan, ito ay nagba-bara. Kapag may bara, humihina ang kalusugan ng kidneys.

May mga bato na malambot, meron din matitigas, depende sa kung anong kemikal ang laman nito. Nakasalalay sa sistema ng pagbabara ang pag-gamot dito.

Nakasalalay din sa nutrition ang pagkakaroon ng bato, sa uri ng mga kinakain, lalo na ang kapag maalat o maasin.
Ang madalas na sintomas ng bato na nagbabara sa urinary tract ay ang pagsakit na namimilipit, mag-uumpisa na mahina at tuloy-tuloy sa pagiging matindi. Sanhi ito ng kagustuhan ng bato na lumabas sa daluyan ng ihi. Kapag kumpleto ang bara, ang daluyan ng ihi ay lumu-lobo at dahil sa pressure, mabigat ang pakiramdam sa may balakang pataas sa tagiliran sa likod at minsan ang sakit ay pumupunta sa singit.

Kapag mataas na ang pressure, lumulusot din ang bato at sumasama sa ihi. Maaari rin na may kasamang impeksyonsa ihi sanhi ng bato, at maaari rin na magdugo dahil sa pagkasugat ng daluyan ng ihi.

Ang diagnosis ng urinary stones ay nag-uumpisa sa urinalysis tapos ay “KUB (kidney, ureter, bladder) ultrasound. May X-ray na ginagawa, gaya ng KUB, IVP o Retrograde Pyelography.

Kailangang makita ang bato, gaano kalaki ito, gaano karami, saan nakalugar at ito ba ay nagdudulot ng bara? Dito rin nakadepende ang gamutan.

Ang pagtunaw ng mga bato at ang pagtanggal ang pagba-bara ay maaring makuha sa gamot o kaya naman ay operasyon. Mayroon ding ginagawang paraan na tinatawag na ESWL o Extracorpeal Shockwave Lithotripsy, na walang hiwa kundi pinupulbos lang ang bato sa pamamagitan ng ultrasonic energy.

Kailangan magpakonsulta agad sa doktor dahil kapag maliit at hindi pa nagba-bara ang bato, mas madali itong gamutin.
Abangan ang huling serye sa susunod na Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending