Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 26.79 milyon na
Sumampa na sa 26.79 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 26,792,233 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 6,389,057 na kaso.
Sumunod na rito ang Brazil na may 4,091,801 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 4,020,239 naman ang kaso sa India habang 1,015,105 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
- Peru – 676,848
- Colombia – 650,062
- South Africa – 635,078
- Mexico – 623,090
- Spain – 517,133
- Argentina – 461,882
- Chile – 418,469
- Iran – 382,772
- United Kingdom – 342,351
- Bangladesh – 321,615
- Saudi Arabia – 319,141
- France – 309,156
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 878,958 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 18,904,050 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.