Bagong house & lot ni Coco aabot sa P100-M ang halaga | Bandera

Bagong house & lot ni Coco aabot sa P100-M ang halaga

Jobert Sucaldito - August 23, 2013 - 07:00 AM

Coco Martin

Marami akong nababasa regarding Coco Martin’s positiveness sa pagtatrabaho. Wala raw maririnig na complaint from Coco kesehodang patayan ang tapings nito for Juan dela Cruz, another hit-serye ng Dos na napakatagal nang umeere.

“Diyos ko naman, sa laki ng kinikita niya per taping, wala talaga siyang karapatang magreklamo, ‘no! Kung sa atin ibinigay ang work niya with matching super-millions na pay, sa palagay niyo ba’y makakapagreklamo pa tayo? Of course not! Baka kahit crying scenes ay mapapangiti pa tayo dahil winner sa dahtung, di ba?

“Kaya lang, halatang-halatang sobrang pinapaboran ng Dos si Coco Martin dahil yung show niya inaabot ng napakatagal na panahon samantalang ang ibang serye ay maigsi lang kahit mataas din ang rating. Iba talaga pag merong espesyal na nag-aalaga sa mga artista ng Dos – pustahan tayo oh, hindi pa tapos ang serye ni Coco, meron na kaagad itong kasunod na iti-tape bago matapos ang show. Hawak yata ng isang pader sa Dos si Coco,” anang isang inggiterong nakatsikahan namin.

Pero aminin din naman natin that Coco Martin is really a very effective actor. Sabihin pa nating meron siyang pader na sinasandalan sa Dos, kung hindi naman siya magaling talaga at mahina sa market waley din, ‘no! Kaso, magaling talagang umarte si Coco kaya panalo siya sa work.

Oo naman, he gets paid so well dahil sinuwerte nga siya. At mukhang tatagal pa ang suwerte niya dahil masipag siyang magtrabaho. And he’s so rich now – as in, super. Balitang tapos na ang pinagawa niyang bahay that costs P70 million – wala pang gamit daw iyon, ha. So, siguradong aabot sa mahigit P100 million ang house and lot niya. Ganoon na raw kayaman si Coco Martin. Galing naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending