Karagdagang 43 Filipino abroad, gumaling sa COVID-19 | Bandera

Karagdagang 43 Filipino abroad, gumaling sa COVID-19

Bandera at Radyo Inquirer - , September 03, 2020 - 05:02 PM

Tanging isa lamang ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 3, umakyat na sa 10,087 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,120 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

43 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,220 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, nanatili sa 757 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,975 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,166 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 798 naman ang kaso sa Americas at 1,158 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending