Global cases ng COVID-19 mahigit 26.1 milyon na
Umabot na sa mahigit 26.1 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos, hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 3) ay 26,176,140 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 287,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 37,000 na dagdag na mga kaso.
Sumampa naman na sa apat na milyon ang kaso ng COVID-19 sa Brazil matapos makapagtala pa ng mahigit 48,000 na dagdag na kaso.
Mahigit 82,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
- USA – 6,290,737
- Brazil – 4,001,422
- India – 3,848,968
- Russia – 1,005,000
- Peru – 663,437
- Colombia – 633,339
- South Africa – 630,595
- Mexico – 610,957
- Spain – 479,554
- Argentina – 439,172
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.