Raymart parang ibong nakawala sa hawla; Sunshine hinding-hindi isusuko ang mga anak kay Buboy | Bandera

Raymart parang ibong nakawala sa hawla; Sunshine hinding-hindi isusuko ang mga anak kay Buboy

Cristy Fermin - August 23, 2013 - 07:00 AM

Raymart Santiago at Sunshine Cruz

Dahil kay bagyong Maring ay pansamantalang namahinga ang mga isyu sa showbiz na talaga namang umingay nang husto nitong mga nakaraang linggo. Parang nangilin sila, parang pinalipas muna nila ang hagupit ng bagyo, pero siguradong kapag naging normal na ang sitwasyon ay balik na naman sila sa pagharap sa husgado para sa kani-kanilang ipinaglalaban.

Maraming nakapansin na sa hiwalayang Raymart Santiago at Claudine Barretto ay ang lalaki ang parang wala nang planong makipagbalikan pa. Makikita agad ‘yun sa itsura ni Raymart na para ngang nakahinga pa nang maluwag nang umuwi na siya sa kanilang bahay.

Si Claudine ang halatadong apektado, iyak ito nang iyak, bakit nga ay ramdam na ramdam ng aktres na parang nawalan na talaga ng gana sa kanya ang ama ng kanyang mga anak.

Baligtad naman sa sitwasyon nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, ang aktres naman ang halatadong ayaw nang makipagbalikan pa kay Cesar, ang kustodiya na lang sa kanilang mga anak ang ipinaglalaban ni Sunshine.

Kung nasa huwisyo pa ni Sunshine ang pakikipagbalikan sa aktor ay hindi sana nito inilabas ang kanyang mga alas, pero maraming nakabasa sa mga text messages sa kanya ng aktor na ayon sa mga nakabasa ay sobrang sakit, napakababa raw pala ng tingin ni Cesar sa ina ng kanyang mga anak.

Ang mga pangyayaring ito ay tunay namang nakalulungkot, dalawang relasyon na naman na kinasasangkutan ng mga kilalang personalidad ang nawasak at mukhang wala nang posibilidad pang mabuo, dahil meron nang nagpaparamdam ng kagustuhan sa kalayaan.

Ayon nga sa kampo ni Raymart, “Para siyang ibong nakawala sa hawla nu’ng umalis na siya sa bahay nila ni Claudine. Malungkot siya dahil hindi niya nakikita nang regular ang mga anak niya, pero nandu’n ang kaginhawahan ng kalooban, dahil matindi talaga ang pinagdaanan niya nu’ng magkasama pa sila ni Claudine,” kuwento ng aming source.
Ganu’n na ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending