Nar Cabico bongga ang career sa US; hamon nina Sanya at Gardo di inurungan ni Uge | Bandera

Nar Cabico bongga ang career sa US; hamon nina Sanya at Gardo di inurungan ni Uge

Ervin Santiago |September 02,2020
facebook
share this

Nar Cabico bongga ang career sa US; hamon nina Sanya at Gardo di inurungan ni Uge

Ervin Santiago - September 02, 2020 - 01:12 PM

 

 

TULOY ang buhay at singing career ng Kapuso host-actor na si Nar Cabico sa Amerika.

Ibinalita ng singer-comedian na kababalik lamang niya sa bahay nila sa Austin, Texas matapos ang ilang gigs sa Las Vegas, Nevada.

Sa US inabutan ng lockdown si Nar noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kaya naman para hindi siya matengga, nag-join siya sa isang banda na nagpe-perform sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng isang litrato si Nar habang nasa airport at naghihintay ng kanyang flight pabalik sa Texas.

Aniya sa caption, “As he is sitting in the airport waiting for his flight he reflected on how far he has gone as a musician.”

Dito, inamin niya na marami ang nagdi-discourage sa kanya noong karirin ang pagkanta dahil wala raw siyang mapapala rito.

“‘Wala kang mararating sa music music na ‘yan!’ Perks of being a wallflower.

“Habang ineenjoy ko itong VIP lounge ng Frontier Airlines, napamuni-muni ako dati kung paano ako kinakabahan sa bawat patak ng metro ng taxi,” pahayag pa ng Kapuso comedian sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Now, I’m seeing more of the world and its peoples, I realized that more than money, nurturing meaningful relationships will truly take you further (and faaarther) in life.”

Pinayuhan din niya ang mga kabataan at baguhang mga artist at musicians na matutong maghintay sa pagdating ng kanilang “tamang panahon” sa music industry. Aniya, patience is really a virtue sa kahit anong bagay.

“Cheers to us, underdogs- we are the hardest working bunch on Earth. Sa younger baby artists, Paciencia Y Fe ,” mensahe pa ni Nar.

* * *

Ipinasilip ng Kapuso actress at TV host na si Eugene Domingo ang kanilang naging taping sa ilalim ng new normal para sa panibagong fresh episode ng “Dear Uge Presents.”

 

Sa ipinost na Instagram video ng aktres, mapapansin na nakasuot ng face masks at maingat na sinusunod ng production crew ang social distancing.

 

Aniya, “Working on fresh episodes for Dear Uge Presents, this time with our cupcake @gardo_versoza and the lovely @sanyalopez.”

 

Sa naturang fresh episode ay makakasama ni Eugene sina Sanya Lopez at Gardo Versoza na kapwa trending ang videos sa TikTok. Hindi tuloy nakaligtas ang Kapuso actress at napa-TikTok na rin kasama ang dalawa sa dance challenge na “Savage Love.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Marami naman ang pumuri sa performance ni Eugene sa previous fresh episode ng “Dear Uge Presents: My Forgettable Love” nitong nakaraang Linggo kasama si Neil Ryan Sese.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending