Ivana muling ibinilad ang ‘pakwan’, male fans nagpiyesta na naman
TALAGANG ayaw patalbog ng sexy star-vlogger na si Ivana Alawi pagdating sa pagbibilad ng hubad na katawan.
Pinag-init na naman ng dalaga ang social media sa latest photo na ipinost niya sa Instagram kung saan nagmumura na naman ang kanyang malulusog na dibdib at ang agaw-eksena niyang “singit-singitan.”
At siguradong pinag-init muli ni Ivana ang ulo ng mga dyowa ng kanyang male fans na naghihintay sa mga bago niyang pasabog sa socmed. Ha-hahaha! Char!
Pero in fairness, talagang walang kupas ang dalaga sa pagbibilad ng katawan niyang sa madlang pipol. Palagi siyang may “regalo” sa kanyang fans and followers na naglalaway sa kanyang kaseksihan.
Ang latest sexy photo ni Ivana ay kuha ng ace photographer na si Mark Nicdao na pinusuan at ni-like ng mahigit 600,000 followers niya sa IG, bukod pa sa sandamakmak na comments ng netizens.
Bukod pa rito, may isa pa siyang photo na naka-swimsuit kung saan muli niyang ipinagmalaki ang maumbok at makinis niyang pwet.
May mga nagkomento sa litrato ni Ivana na nagsabing ibang klase raw talaga ang katapangan niyang magpakita ng katawan sa publiko na gustung-gusto nga ng mga kalalakihang nagpapantasya sa kanya.
Meron namang nag-comment na sana’y sa susunod na post ng aktres ay wala na siyang suot para maiba naman. Sigurado raw na magka-crash ang socmed kapag naghubo’t hubad siya sa kanyang pictorial.
Sa isang panayam sinabi ni Ivana na wala siyang issue sa pagpapakita ng katawan sa, “Well, I know myself and alam ko na I’m more than just sa paghuhubad and proud ako sa sarili ko e, so bakit ako magpapaapekto sa mga taong humihila sa akin pababa and trying to say na ang dami kasi talaga ganyang reaction na sinasabi nila, ‘Ano ba yan, panay pakita ka ng katawan, iyan lang ang meron ka, wala kang utak.’
“But I’m proud of myself, nakapagtapos ako sa college, natutulungan ko ang family ko and I’m happy. I’m not hurting anyone, trabahong marangal. Naiinggit lang sila e, and I accept that,” diin ni Ivana.
Kamakailan, mainit ding pinag-usapan ng netizens ang topless photo ng dalaga at tanging black pants lang ang suot.
Tinakpan lang niya ng kanyang mga braso ang mala-pakwan niyang boobs at nilagyan ng caption na, “Happy 8 million Youtube!”
Ito ang regalo niya sa kanyang fans dahil umabot na nga sa 8 million ang kanyang subscribers sa YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.