Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa--Pagasa | Bandera

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa–Pagasa

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 02, 2020 - 12:12 PM

 

 

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang bagyo sa labas ng bansa na mayroong international name na “Haishen.”

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,355 kilometro sa silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong south southwest sa bilis na 10 kilometro bawat oas.

Ngayong araw, Habagat ang nakaaapekto sa Northern at Southern Luzon.

Ayon sa Pagasa, magiging maaliwalas naman ang panahon sa buong bansa at makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong pulo-pulong pag-ulan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending