Jasmine pinaghandaan ang balik-taping ng DOTS; Vicky tuloy ang laban para sa kababaihan
SINIGURO ng “Descendants of the Sun” actress na si Jasmine Curtis na nakahanda siyang mabuti sa muling pagsabak sa taping para sa primetime series ng GMA.
Ayon sa aktres, pinalakas niya ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain ng healthy food at regular na pag-e-exercise.
Aniya, “If you take care of your health, you take your vitamins, you exercise regularly, you really are present sa pangangalaga sa sarili mo.
“Also do the safety precautions, you should be fine. You should just be wary of people around you. You should be extra cautious pa rin of that,” dagdag ng dalaga.
Naging inspirasyon din ni Jasmine ang nakuhang recognition ng kanilang programa mula sa Seoul International Drama Awards kaya mas lalo siyang na-excite na muling magtrabaho at makita ang kanyang co-stars.
“Sobrang laking satisfaction for everyone. Our utmost gratitude talaga to the Seoul International Drama Awards.
“Kasi it feels good for someone’s adaptation to their culture of a story so well-received before na matanggap din nila and mapanalunan pa natin. It’s an amazing thing to happen,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Kahapon nagsimula ang balik-trabaho ng cast at production ng “DOTS PH” sa isang lugar sa Rizal at 10 araw silang mananatili roon para sa lock-in taping kasama ang mga bida ng show na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
* * *
Tuluy-tuloy ang programa ni Vicky Morales na “Wish Ko Lang!” sa pagpapalabas ng mga bagong episode tuwing Sabado.
Ngayong buwan, “Winner September” ang tema ng Kapuso public affairs show kung saan tampok ang apat na kuwento ng mga kababaihang hindi papatalo sa kahit anong laban.
Winner din ang mga artistang bibida sa bawat episode tulad nina Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, Thea Tolentino at Jean Garcia.
Maganda ang feedback na nakukuha ng show at sa nababasa namin sa social media, talaga namang nakakaantig ang bawat episode ng “Wish Ko Lang!”
Sa dulo ng mga dramatization ay naroon ang pagpapaabot ng programa ng kaunting tulong sa na-feature na indibidwal at sa pamilya nito. Kahit ang viewers, panalo rin sa mga premyong ipinamamahagi ng show sa official Facebook page nito.
Sa Sabado (Sept. 5) na mapapanood ang episode na pagbibidahan ni Glydel tungkol sa kuwento ng isang inang naanod ang bahay. Makakasama niya rito sina Allen Dizon at Tere Malvar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.