Dating palaboy sa Luneta, wagi ng P61.8M sa lotto | Bandera

Dating palaboy sa Luneta, wagi ng P61.8M sa lotto

Leifbilly Begas - August 22, 2013 - 05:08 PM

SA Luneta Park lang natutulog dati ang 35-anyos na lalaki na siyang nanalo ng P61.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Agosto 17 draw. Nagtungo na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo na kasalukuyang empleyado ng isang kompanya bilang janitor para kunin ang kanyang panalo.  Siya ay mula sa Mindanao at may dalawang anak.  Kasalukuyan silang nakatira sa Malolos, Bulacan.

Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 01-35-27-13-09-07 na lumabas sa bola ng Grand Lotto noong Agosto 17.

Nagkakahalaga ng P20 ang tama niya ng manalo. Ang mga numerong tinayaan ay kaarawan ng misis at kanyang mga anak.

Sa pakikipagkuwentuhan kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II sinabi ng nanalo na siya ay taga Mindanao na niyaya ng kanyang kaibigan na magtrabaho sa Maynila.

Walang mapasukan, napunta siya sa Ilocos Sur kung saan nagtrabaho siya bilang helper sa isang hardware. Matapos ang dalawang taon ay nagbitiw siya sa trabaho at pumunta sa Maynila upang magbaka-sakali. “Wala po akong relatives dito sa Manila sir, kaya matagal po akong nagpalaboy-laboy at sa Rizal Park lang po ako natutulog. Hanggang may nakilala po ako sa park, at inalok ako ng trabaho bilang janitor,” saad ng nanalo. Bibili na siya ng sariling bahay at lupa at pag-aaralin ang kanyang mga pamangkin. Plano rin niyang kumuha ng prangkisa ng isang fast food chain.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending