Nagkamali ang DBM kay Way Kurat | Bandera

Nagkamali ang DBM kay Way Kurat

Ramon Tulfo - August 22, 2013 - 02:57 PM

INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na nagkaroon ng “clerical error” sa paglilista kay dating Compostela Valley Congressman Manuel “Way Kurat” Zamora na tumanggap ng P3 bilyon sa kanyang pork barrel funds.

Sinabi ni Budget Secretary Butch Abad na nagkamali ang DBM sa pagsali ng allocation na P500,000 ni Zamora sa kanyang Priority Development Fund (PDAF) sa statement of allocation release order (Saro) na inisyu para sa P3 bilyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Iniulat ng Commission on Audit (COA) na si Zamora ay tumanggap ng P3.1 bilyon sa kanyang PDAF o pork barrel noong 2007 hanggang 2009.

Teka nga muna: Bakit si Abad ang umaamin ng pagkakamali samantalang ang pagkakamali ay nangyari noong panahon ni Rolando “Nonoy” Andaya bilang budget secretary?

Pinagtatakpan ba ni Abad si Andaya na nga-yon ay congressman ng Camarines Sur?

Kunsabagay, magkasama kasi itong si Andaya at Abad noon sa Kongreso.

Ang audit report kasi ng COA sa mga taong 2007-2009 ay base sa report sa kanila ng DBM na noon nga ay pinamumunuan ni Andaya.

Kung nagkamali ang COA ito ay dahil sa pagkakamali ng DBM.

Clerical error nga ba o sadyang minali ang report upang si Way Kurat ang mapagbuntunan ng sisi?

Si Way Kurat, sabi ng mga nakapanayam ko na mga taga Tagum City, Davao del Norte na malapit sa Compostela Valley (dati kasing sakop ng Davao del Norte ang Compostela Valley), na walang kakayahan na mangurakot dahil mahina ang ulo nito.

Ito ang word-for-word na sinabi sa akin ng isa sa mga taong aking nakapanayam tungkol kay Zamora: “Sa ato pa, Mon, dunay nagkuha sa P3 billion ug gipangan sa iyaha. Di man kahibawo nga mukawat si Way Kurat kay wa man siya’y buot intawon.”

Direct translation: Sa madaling sabi, may kumuha ng P3 bilyon at ipinangalan sa kanya. Walang kakayahang mangurakot si Way Kurat dahil mahina ang kanyang ulo.

Si Zamora ay may lahing Boholano o Bol-anon dahil ang kanyang magulang ay taga-Bohol at nakapag-settle down sa Davao.

Naalala ko tuloy ang joke tungkol sa Bol-anon.

Pinakyaw ng Bol-anon ang mga ice drop na tinitinda ng ice drop vendor matapos niyang tikman at nasarapan sa isang ice drop.

Nilagay niya ang mga ice drop sa loob ng kanyang baul para sana sa kanyang mga kamag-anak na dadalaw sa kanya.

Matapos ang ilang oras ay gusto na naman niyang kainin ang ice drop dahil noon lang niya natikman ito at sarap na sarap siya.

Pero nang buksan niya ang baul, nakita niya na natunaw na ang mga ice drop.

Nagmura ang Bol-anon, “Pesteng dyawaa, gikawat na ang akong ice drop, giihian pa kining akong baul (Pesteng buhay ito, ninakaw na nga ang aking mga ice drop, inihian pa ang aking baul)!”

Ganoon ka-inosente si Way Kurat.

Ako’y nagtanung-tanong tungkol sa kanya at napag-alaman ko na itong si Way Kurat ay kasing mahirap pa rin noong bago siya maging congressman.

Naalala pa ninyo yung congressman na nagwawalis ng sahig habang ang kanyang mga kasamahan ay nagdedebate sa impeachment hearing ng noon ay Pangulong Erap?

Ito’y kitang-kita on national television dahil covered ng TV ang impeachment proceedings ni Erap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi po janitor yung nagwawalis sa sahig ng session hall kundi si Way Kurat yun.
Nagwawalis siya ng sahig dahil parang di niya maintindihan ang pinag-uusapan ng kanyang mga kasamahang kongresista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending