Mambabatas hinimok ang DOH na ihinto na ang paggamit ng rapid test sa COVID-19
Isinusulong ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na hikayatin ang Department of Health na huwag ipagamit ang rapid test sa pag-screen ng COVID-19.
Sa House Resolution 1146, ipinanukala ni Rodriguez na tanging RT-PCR o swab test lamang ang ipagamit ng DOH.
Ipinapakita anya ng swab test ang “actual presence” ng virus habang ang rapid test ay nakaka-detect lamang ng antibodies na inilababas ng katawan bilang reaksyon sa isang ‘infectious agent’ tulad ng virus.
Nababahala ang kongresista na sa kabila ng mga testimonya at patunay ng mga eksperto na hindi epektibo ang rapid test ay marami pa ring establisyimento at kumpanya ang gumagamit ng RAT para i-test ang kanilang mga manggagawa at empleyado sa COVID-19 bago makabalik ng trabaho.
Dahil sa maling resulta ng rapid test ay maraming mga indibidwal ang isinailalim sa quarantine dahil sa false-negative result habang marami naman sa mga may impeksyon ng coronavirus ay cleared o negative sa rapid test at hindi alintana na naikakalat na pala nila ang sakit.
Pinaniniwalaan din aniya ng mga eksperto ang maling clinical decisions sa maling resulta ng rapid test ang naging ugat ng pagtaas ng kaso ng impeksyon sa Metro Manila.
Sinabi ni Rodriguez na kabilang sa mga bansa na nagbabawal sa paggamit ng rapid test ay ang Australia, UAE at India.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.