Bahay ni lola ipagagawa ni Lyca; mga bashers kinontra | Bandera

Bahay ni lola ipagagawa ni Lyca; mga bashers kinontra

Ervin Santiago - September 01, 2020 - 11:47 AM

 

 

PARA matigil na ang pamba-bash sa kanya ng netizens, nagpaliwanag na ang The Voice Kids’ grand winner na si Lyca Gairanod tungkol sa sitwasyon ngayon ng kanyang lola.

Kung marami ang naaliw at natuwa sa madamdaming pagbisita ng dalagita sa dati nilang bahay sa Tanza, Cavite kamakailan, may mga bumatikos din sa kanya dahil hindi nagustuhan ng mga ito ang kalagayan doon ng lola niya.

Sa bagong vlog ni Lyca sa YouTube, ipinakita ang muli niyang pagbisita sa Tanza para kumustahin ang kanyang 86 years old na lola.

Dito sinabi niyang ipagagawa na niya ang bahay ni lola para hindi na rin sila nag-aalala sa kundisyon nito, lalo na ngayong tag-ulan.

“Marami ang nagre-request, marami akong nakikita sa mga comments. Ipapagawa ko na po ang bahay ni Lola. Pero matagal ko na po talaga gusto ipagawa ang bahay ni lola. Malakas lang po talaga ang alon,” pahayag ni Lyca.

Ayon sa lola ng singer, simple lang daw ang gusto niyang maging itsura ng kanyang bahay.

“Lola ko kasi napakasimple lang nito. Kung ano lang ‘yung ibinigay mo sa kanya, ‘yun lang ‘yung tatanggapin niya,” ani Lyca habang nakikipagbiruan pa sa lola niya.

Samantala, sinagot na rin ni Lyca ang mga bashers na nagsabing  bakit daw hinayaan lang nilang manirahan sa ganu’ng klase ng bahay ang lola niya.

Aniya, ilang ulit na raw nilang pinilit ang matanda na lumipat sa kanila pero ayaw talaga nitong iwan ang kanyang tirahan.

“Kahit ano’ng pilit ko kay Lola, kahit ano’ng sabi ko na, ‘La, doon ka na sa bahay’ kasi baka hindi siya safe dito ganu’n nga, guys ayaw po niya talaga. Kung saan po siya kumportable doon po talaga siya,” depensa ng dalagita.

“Gusto niya po talaga dito dahil sobrang lapit na ng loob niya dito sa lugar na ‘to.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And siyempre alangan naman pilitin natin ang lola natin, ‘di ba? Kung ayaw talaga ng lola ko, siyempre susuportahan na lang natin ‘yun,” sabi pa ni Lyca.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending