'It’s Okay to Not Be Okay' penalty ang inabot dahil sa mga eksenang sekswal | Bandera

‘It’s Okay to Not Be Okay’ penalty ang inabot dahil sa mga eksenang sekswal

Karlos Bautista - September 01, 2020 - 07:56 AM

Pinatawan ng mahigpit na babala ang sikat na South Korean romantic TV series na “It’s Okay to Not Be Okay”  dahil sa mga eksenang sekswal at di naaangkop sa telebisyon,  ayon sa report ng The Korea Herald.

Ibinaba noong Miyerkules ng Korea Communications Standards Commission, ang censors body ng South Korea, ang desisyon bilang legal na parusa sa television series dahil sa umano’y maraming beses nitong paglabag sa mga regulasyon.

Sa ikatlong episode ng serye na ipinalabas noong Hunyo 27, ipinakita ang bidang babaeng si Mun-yong, na may personality disorder, na malagkit na tumititig at hinahaplos ang katawan ng bidang lalake na si Gang-tae habang ito ay nagbibihis. Ganundin, binatikos ng netizens ang serye dahil sa mga eksena kung saan ang isang lalaking character, na may disorder na manic depression at exhibitionism, ay ipinakitang hubo’t hubad habang ang ari ay natatakpan lamang ng drowing ng isang elepante.

“Kahit pa man sabihin na ang mga iyon ay para lamang maipakita sa eksaheradong pamamaraan ang personalidad ng isang character, ipinakita nito kung gaano ka-insensitive ang producer ng drama sa isyu ng pagkakapantay ng kasarian sa pag-broadcast ng mga eksena na maaaring magresulta sa pagmamaliit sa isang kasarian at maging daan para mabigyang katwiran ang pang-aabusong sekswal at pangmomolestya,” ayon sa subcommision.

Ganundin, sinabi ng subcommission na ang paggamit ng abusadong lenggwahe sa serye ay dagdag pang dahilan sa ginawang desisyon na patawan ng kaparusahan ang palabas.

Ang “warning” bilang legal na sanction ay itinuturing na mabigat na parusa sa South Korea dahil maaaring makaapekto ito sa taunang ebalwasyon ng TV network para sa pag-renew ng lisensya sa pag-broadcast.

Ang “It’s Okay to Not Be Okay”,  na binubuo ng 16 na episodes at pinagbibidahan nina Kim Soo-hyun at Seo Ye-ji, ay kwento ng dalawang tao na ang kakaibang pag-ibig ay nagbigay-daan sa paghilom ng kanilang mga emosyonal at physcological na trauma. Natapos ito sa telebisyon noong Agosto 9.

Sa Pilipinas, kabilang ang serye sa Top 10 na palabas sa Netflix.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending