Barbie pangarap maging SOCO, Jak type mag-pilot; Benjamin nagtayo ng flower shop
KUNG pangarap ni Jak Roberto noon na maging pilot, gustung-gusto naman ni Barbie Forteza ang maging SOCO (scene of the crime operative).
Sa latest YouTube vlog ni Jak, special guest muli ang girlfriend na si Primetime Princess Barbie Forteza.
Habang nagluluto, nagkaroon ng mini Q&A ang magdyowa at natanong ni Barbie kung ano ang pangarap na trabaho ni Jak kung hindi siya artista.
Sagot ng aktor, “Nu’ng bata ako gusto ko maging pilot, kasi naa-amaze ako sa malalaking eroplano.
“Nu’ng natuto naman ako magluto, kasi tinuturuan ako ng mommy ko, gusto ko maging chef kasi parang feeling ko may skills ako sa pagluluto.
“Pero nu’ng nandito na ako sa industriya, minahal ko ‘yung trabaho, kumbaga gusto kong pagbutihan at i-develop pa ‘yung craft bilang isang aktor. Kaya ‘yung pangatlo kong choice, artista talaga,” lahad ng hunk actor.
Para naman kay Barbie, “Gusto kong maging crime scene analyst. Mahilig kasi akong magbasa at manood ng movies na ganoon ‘yung theme.
“Mas nae-entertain ako du’n kesa sa ibang genre. Pangalawa ginusto ko rin maging pastry chef, gusto ko matuto mag-bake.
“And last, gusto kong gumawa ng wine, feel kong magtayo ng winery, mga ganyan,” aniya pa.
Samantala, naghahanda na ang cast at production team ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” kabilang na si Barbie para sa pagbabalik-taping ng serye sa ilalim ng new normal.
* * *
Isa ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves sa mga artistang nagsimula ng business ngayong quarantine.
Sa interview ng 24 Oras, naikuwento ng aktor ang online flower shop niyang House of Roses na isa sa mga paraan niya para maging productive.
Aniya, “Kaysa mag-stay lang sa bahay nang walang ginagawa, saka I want to be productive. We found that there’s still a market for sending flowers or reaching out to people.
“We just want to send something to reach out to somebody. Hindi na natin magawa physically, so that where the concept came up,” sey ng aktor.
Naglalakihang Ecuadorian roses ang pride ng online flower shop niya, “We want to be known to have the best looking roses, the biggest roses.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.