Clint Bondad may bagong 'sexy mystery girl', naka-move on na kay Catriona: It's over! | Bandera

Clint Bondad may bagong ‘sexy mystery girl’, naka-move on na kay Catriona: It’s over!

|August 27,2020
facebook
share this

Clint Bondad may bagong ‘sexy mystery girl’, naka-move on na kay Catriona: It’s over!

- August 27, 2020 - 04:03 PM

 

NAKA-MOVE na nga siguro ang model-actor na si Clint Bondad sa break-up nila ni Catriona Gray, base na rin sa pakikipagsagutan niya sa netizens.

Isa sa mga netizen ang sinagot niya na matagal na silang tapos ng beauty queen at mukhang huli na ito sa balita.

At mukhang may bago na ngang girlfriend si Clint base sa ilang IG post niya kung saan makikita ang babaeng kung ilarawan niya ay isang “goddess”.

Nag-post si Clint sa Instagram ng litrato niya kasama ang kaibigang transwoman billionaire na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip, dalawang bata at isa pang lalaki.

May nagkomento sa post ng binatang Filipino-German model na pagkatapos ng relasyon niya kay Catriona ay pumatol naman siya sa isang super rich na transwoman na ang tinutukoy nga ay si Anne.

“From a real woman to a lesser woman but has $$,” hirit ng basher. Na sinagot ni Clint ng, “Don’t call yourself Christian. Yiu are a 100% fake.”

Ayon naman sa isa pa niyang follower sa IG, “Insane. No wonder why Queen Catriona broke up with you.”

Banat sa kanya ni Clint, “I feel sorry 4 you. You look like yiu laxk energy all the time. Ask yourself. Would you pee yoir pants if I were to appear infront of yiu?

“Buy my teaching. I will make it free partly even… You can workout and start feeling yourself again! truly mean it… Love you.”

Halatang napikon uli ang binata nang may mag-comment tungkol sa kanila ni Catriona at nagsabing sana sila pa rin ang magkatuluyan. Hirit niya rito, “Hahahahahahaha! duuuuuuuuude. PLEASE XAN SIMEONEEE HELLP MEE??

“NO! it’s over. Dine fin. And u need a brain upgrade! F—g taking 2 f—g long,” aniya pa.

Samantala, may isang litrato naman ng seksing babae na ipinost si Clint pero hindi niya ito pinangalanan at hindi rin ang mukha. May caption itong, “My Mama Mia [heart emoji].”

Sinundan pa ito ng pagpo-post ng kanyang selfie photo na naka-topless at ng mystery girl na nakasuot ng white dress na hindi pa rin masyadong kita ang face.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Young Zeus & Goddess Hera. Our kids will have Olympic God Names.” Ang tinutukoy ni Clint ay ang mga karakter sa Greek mythology na sina Zeus at Hera, ang mag-asawang gods mula sa Mount Olympus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending