Sen. Nancy Binay pinababawi na ang deployment ban sa healthcare workers | Bandera

Sen. Nancy Binay pinababawi na ang deployment ban sa healthcare workers

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 27, 2020 - 02:17 PM

Inihahanda ng mga nurses na nakasuot ng protective gears ang isang holding area para sa mga pasyenteng may Covid-19 sa  Ospital ng Parañaque. (Richard A. Reyes/Inquirer)

Hinikayat ni Senator Nancy Binay ang Philippine Overseas Employment Administration at ang Inter Agency Task Force na bawiin na ang deployment ban sa healthcare workers.

Diin ni Binay walang karapatan ang gobyerno na pigilan ang mga health worker kung nais nilang mag-trabaho sa ibang bansa para buhayin ang kanilang pamilya.

Aniya kung magmamatigas naman ang POEA sa deployment ban, dapat tiyakin ng gobyerno na may sapat na kompensasyon na maibibigay sa mga ito.

Katuwiran ng senadora hindi rin naman gugustuhin ng health workers na malayo sa kanilang mga pamilya kung sapat ang kanilang kikitain dito sa bansa.

Sinabi din ni Binay walang dapat ipangamba na magkukulang ng health workers sa bansa dahil aniya base sa datos ng DOH, higit 750,000 ang lisensiyadong medical professionals sa Pilipinas, kasama ang mga dentista, medical technologists, pharmacists, midwives at mga doktor.

Sa naturang bilang, 204, 437 lang ang ang nasa health sector nangangahulugan na higit kalahating milyon sa kanila ang hindi nagta-trabaho ayon sa kanilang natapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending