Kristel Fulgar nakabili na ng house & lot, mga sasakyan; katas ng pagba-vlog
MAY sarili nang bahay at nakabili na rin ng mga sasakyan ang singer-actress na si Kristel Fulgar dahil sa kanyang pagba-vlog.
At hindi raw niya matutupad ang kanyang mga pangarap kundi sa blessings ni Lord at sa lahat ng taong nanonood at sumusuporta sa kanyang mga video sa YouTube.
In fairness naman kasi sa dalaga, talagang kinakarir niya ang bawat vlog na ipino-post niya sa kanyang channel kaya naman bentang-benta sa mga subscriber niya.
Sa ngayon, meron ng 1.1 million subscribers ang aktres sa kanyang YouTube channel na Kristel Fulgar kung saan mapapanood ang song covers na ginagawa niya habang 1.7 million naman sa KrisTell Vlogs with her anything under the sun vlogs.
Dahil dito, meron na rin siyang dalawang Gold Play buttons na pinapangarap ngayon ng bawat celebrity na nasa YouTube world na rin.
“May nagsasabi sa akin ang sipag ko daw mag-edit. Wino-workout ko para umangat sarili ko. Nagko-cover ako. Gumagawa ako ng paraan para maangat ‘yung sarili ko.
“Hindi ko makukuha ‘yung mga ‘yun without the help of God. Talagang blessing lahat ng binigay niya sakin. Tinitingnan ko ‘yun as blessing,” pahayag ni Kristel sa “Star Beginnings” online show ng Star Magic.
“May motto ako sa sarili ko na hindi mo makikita ang isang bagay na mahirap kung ini-enjoy mo. Masaya kang ginagawa ‘yun.
“So, kahit sabihin na natin mukhang nakakapagod, pero dahil masaya ka, nag-eenjoy kang ginagawa, hindi siya nakakapagod,” aniya pa.
“Masarap umangat, masaya parang every time na kunwari tumataas ang subscribers ko, gumaganda ‘yung roles na binibigay saken. Masasabi ko na hangga’t may nakaka-appreciate ng ginagawa ko, masaya ako at nag-eenjoy ako,” lahad pa ni Kristel.
Patuloy pa niya, “Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako.
“Nagawa ko na rin ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse. Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic.
“Hindi ko rin siya tinitingnan na parang may sakripisyo. Nag-seshare na din ako sa family ko ng mga sinesweldo ko. Though hindi din naman din kalakihan ‘yun. Pero natutuwa ako ‘pag kunwari kakakin kami, sasabihin ko ay treat ko na ‘to,” sey pa ng matagumpay na vlogger-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.