Viral TikToker na walang binti napaluha: Sorry naiyak ako, gusto ko po talagang maging artista | Bandera

Viral TikToker na walang binti napaluha: Sorry naiyak ako, gusto ko po talagang maging artista

Ervin Santiago - August 25, 2020 - 03:05 PM

MARAMING naantig at na-inspire sa kuwento ng buhay ni Diego Garcia mula sa Davao de Oro na sikat na ngayon bilang TikToker.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagsusumikap at nagpupunyagi pa rin sa buhay si Diego para maabot ang kanyang mga pangarap.

Isa na ngayong certified viral TikToker si Diego na meron ng mahigit kalahating milyong followers kaya naman nagpapasalamat siya sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Sa panayam ng “Tunay Na Buhay” makikitang normal pa rin siyang nabubuhay kahit na wala na siyang mga paa.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho ngayon bilang office staff sa provincial tourism office ng Davao de Oro. Pero dahil sa kanyang TikTok videos, kilalang-kilala na siya ngayon ng milyun-milyong netizens.

Ayon sa mga katrabaho ni Diego, masayahing tao at masipag din sa trabaho. Mahilig din daw talagang  sumayaw si Diego na kitang-kita naman sa mga TikTok videos nito.

Inamin din niya sa nasabing panayam na matagal na niyang  pangarap ang maging artista. Sa katunayan, napaiyak pa siya habang nagsasalita.

“Sorry naiyak po ako. Bata pa lang kasi ako parang nakahiligan ko na talagang mag-acting. Kasi sa bahay parang nababaliw daw ako kasi nag-a-acting ako na mag-isa.

“My passion po talaga is gusto ko po talagang artista po. Kasi alam ko naman talaga na wala pong artista na kagaya ko pero kung ipagkakaloob man po ng Diyos, ibibigay ko po talaga yung best ko,” lahad ni Diego.

Ibinahagi rin niya sa manonood na ang isa sa mga paborito niyang artista ay si Janine Gutierrez na nakikilala at nakausap pa niya sa pamamagitan ng video call.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending