Krizzle Luna naaksidente, ‘di pa makagalaw dahil tinamaan ang ‘spine’ | Bandera

Krizzle Luna naaksidente, ‘di pa makagalaw dahil tinamaan ang ‘spine’

Pauline del Rosario |January 21,2023
facebook
share this

Krizzle Luna naaksidente, ‘di pa makagalaw dahil tinamaan ang ‘spine’

Pauline del Rosario - January 21, 2023 - 05:31 PM

Krizzle Luna naaksidente, ‘di pa makagalaw dahil tinamaan ang ‘spine’

PHOTO: Facebook/Krizzle Luna

MALUBHA ang kalagayan ngayon ng TikTok content creator na si Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” matapos maaksidente sa daan.

Ang nakakalungkot na balita ay ikinuwento mismo ni Krizzle sa kanyang Facebook.

Ibinandera niya ang isang selfie video na ipinapakita ang sitwasyon niya habang naka-confine sa ospital at ipinaliwanag ang nangyari sa kanya.

Sa umpisa ng video ay mapapanood na sinusubukan pang maging “in-character” si Doc Luna at lubos na pinasalamatan ang lahat ng mga nagdadasal para sa kanyang paggaling.

Sey niya, “Hala, naaksidente si Doc Luna. Hindi ‘yun joke. Maraming salamat po sa walang sawang suporta at sa mga prayers. Naaksidente po tayo.”

Ikinuwento niya na nawalan ng preno ang nasalubong nilang sasakyan ay lubhang tinamaan ang parte ng kanyang leeg na bahagi rin ng kanyang spine o ‘yung tinatawag na “C6 vertebra.”

“Nagkaroon po ng vehicular accident na nawalan po ng preno ‘yung nakasalubong naming sasakyan pero grabe si Lord. Kahit na naapektuhan ‘yung C6 ko, ayan coherent pa rin tayo,” kwento ng content creator.

Patuloy pa niya, “So far, naka-tracksuit tayo ngayon para sa alignment ng spine ko.

“Nagagalaw ko na kahit papaano ang mga kamay ko.”

“‘Yung paa ko, mataas ‘yung sensory although hindi ko pa siya fully nagagalaw, pero sabi naman kung mag-iimprove ‘yung pamamaga, posible nang magalaw ni Doc Luna ‘yun, aniya.”

Sa dulo ng video ay muli siyang nanawagan ng dasal, hindi lang para sa kanya kundi pati na rin daw sa mga mahal niya sa buhay.

Saad niya, “Ulitin ko lang po, please pray for my loved ones and siyempre gusto ko pa ring mag-thank you kay Lord for the second chance.”

“Kaya natin ‘to, lalaban tayo, lalaban si Doc Luna. Maraming, maraming salamat sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko,” Ani Krizzle.

Nag-umpisang sumikat si Doc Luna noong pandemya sa TikTok na nagbibigay ng tips at payo tungkol sa kalusugan.

Related chika:

Balitang naaksidente si Sharon sa US fake news: Hindi po totoo, so please relax

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru Madrid naaksidente sa taping ng ‘Lolong’, napuruhan ang kanang paa: I’m very sad…

Doc Willie Ong dumaan muna sa sandamakmak na sama ng loob bago nagkaroon ng 7-M subscribers sa YouTube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending