Madulas na palengke ng Pasig, ipinaayos na ni Mayor Vico: Pasigueños natuwa, meron ding kinilig | Bandera

Madulas na palengke ng Pasig, ipinaayos na ni Mayor Vico: Pasigueños natuwa, meron ding kinilig

Karlos Bautista - August 25, 2020 - 12:32 PM

Pinasimulan na ni Mayor Vico Sotto na papalitan ang mga floor tiles sa public market ng Pasig City na umano’y matagal nang inerereklamo dahil madulas.

“After 12 years!! Nasimulan nang palitan ang nirereklamo niyong madulas na tiles sa palengke,” ani Sotto sa kanyang Twitter post.

“Yung sa meat section ang unang ginagawa,” dagdag ni Sotto.

Ito ay bagay na ikinatuwa ng mga Pasigueño.

Wika ni Twitter user @joyvee0480: “Salamat Mayor@VicoSotto napalitan din tiles. kapitbahay po kahapon nadulas sa may fish section sa may tilapia.”

Si Tin (@SnBanz), bata pa raw sya ay ilang beses nang nadulas sa naturang palengke. Minsan, sabi niya, “Umuwi ako na sobrang dumi ko.”

“Imagine, 12 years na syang nirereklamo. Thank you,” wika naman ni  Juan  Cristobal (@EngrGalleon).

Meron namang obvious na kinikilig.

“that’s my baby! 👏🏻👏🏻👏🏻 loljk lang!!! hahhahaha good job sa inyo mayor!! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻,” tweet ni Marie Maureen (@mariemaureencol).

Pero si Twitter user gaiaxxX (@CuteNiAge), hindi na nagpa-kyeme pa at ibinulalas na ang totoong nararamdaman sa cute na mayor:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Labyu Mayor.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending