Yassi maraming pamilyang natulungan sa Tondo; pinasaya ang mga bata sa ospital
NAPAKARAMI ring natulungan ng Kapamilya singer-actress na si Yassi Pressman ngayong panahon ng pandemya.
Isa ang leading lady ni Coco Martin sa seryeng “Ang Probinsyano” sa mga celebrities na gumawa talaga ng paraan para makapaghatid ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan.
Hindi lang basta tumunganga ang dalaga sa loob ng kanilang bahay noong kasagsagan ng enhanced community quarantine, talagang nag-effort siya para kahit paano’y makatulong sa mga nawalan ng kabuhayan dulot ng COVID-19.
Una na nga rito ang pagsusulat ng kanta para sa lahat ng frontliners na pinamagatang “Kaya Natin Ito”, “Kasi yun din yung time na everyone was so unsure and nawawalan sila ng pag-asa.
“It’s so hard kasi sila lang din yung pinagkukuhanan natin ng lakas lalo na sa mga kapamilya or kaibigan natin na merong pinagdadaanan and ‘Kaya Natin Ito’ was just a song of hope for the Filipinos and I was very happy with them singing it.
“Parang nagkaroon sila ng konting pag-asa. That was the purpose of the song,” pahayag ni Yassi sa panayam ng ABS-CBN.
Naikuwento rin dito ng aktres ang mumunting tulong na nagawa nila nitong lockdown, “I chose to be isolated na lang here in the province. We did three months at home pero inayos kasi yung house konti nu’ng GCQ so, now sobrang sira-sira yung house. So dito muna ako sa province.
“During the lockdown, we started just making small sandwiches for the frontliners everyday we would go to their checkpoints.
“Kami mismo magpapadala sa kanila. Hindi kami makatawid ng checkpoint, di ba? So, sa lahat ng puwede naming tigilan.
“Then I decided to just make my own charity and we called it Stay Safe Together and just being apart from everyone makes you feel alone, makes you feel sad, but being isolated doesn’t really mean that you have to go through this apart.
“And by buying one bracelet, you actually get to feed a family in Manila, in Tondo, and that’s what we were keeping ourselves busy with throughout the quarantine,” mahabang kuwento ni Yassi.
Nag-celebrate rin ang dalaga ng kanyang 25th birthday noong kasagsagan ng ECQ. Aniya mas naging makabuluhan ang kaarawan niya this year kahit walang bonggang party.
“I decided to give toys naman to the children in the hospitals. They have diseases din that we don’t have the cure for yet. So, just by making them happy, kahit sa araw man lang na yun, masayang-masaya na ako,” kuwento niya.
Sa tanong kung ano ang mga aral ng buhay na napulot niya ngayong panahon ng pandemya, “No one could expect what’s happening to us right now and kami at home with me and my sister, it was the only opportunity that we actually had to just realize what was going on, to restart our lives again after what happened to us this year.
“And we wanted to continue Dad’s legacy of just being happy and not only for us, parang gusto naman namin na kami yung makapagpasaya rin ng mga tao and sa lahat ng mga nangyayari, the tiniest things make people now.
“We realize all of that because everything gets stripped down from all of us. Natitira na lang talaga yung the food that we have, the people that we have, the family that’s still there with us no matter what,” pahayag pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.