Bagyong Igme, isa nang severe tropical storm | Bandera

Bagyong Igme, isa nang severe tropical storm

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 22, 2020 - 07:34 PM

Lumakas pa ang Bagyong Igme at ngayo’y isa nang ganap na severe tropical storm.

Sa severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometers north-northeast ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Bahagyang bumilis ang bagyo at kumikilos sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Gayunman, wala pa ring nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.

Ngunit, asahang makararanas ng intermittent gusts sa Batanes at Babuyan Islands dulot pa rin ng southwest monsoon na bahagyang pinalakas ng Bagyong Igme.

Iiral ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan bunsod nito.

Dahil dito, nagpaalala ang weather bureau sa posibleng maranasang pagbaha o pagguho ng lupa.

Sinabi ng Pagasa na posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility  ang bagyo sa pagitan ng 5:00 hanggang 8:00, Sabado ng gabi (Agosto 22).

Pagasa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending