4 Kapamilya director pinapili ni Cathy Molina: Amor Powers o Madam Claudia?
PHENOMENAL talaga ang teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng publiko ang mga karakter nina Amor Powers at Madam Claudia Zalameda.
Sa pakikipagtsikahan ni Direk Cathy Garcia Molina sa mga lalaking direktor na sina Ruel Bayani, Ted Boborol, Dado Lumibao at Jerry Sineneng ay ang karakter nina Eula Valdez at Jodi Sta. Maria bilang si Amor ang gusto nila kaysa sa ginampanang role nina Jean Garcia at Angelica Panganiban as Claudia.
“Siyempre si Amor, mas rich ang journey ni Amor saka nakuha niya ‘yung pag-ibig niya sa dulo siyempre siya ang pipiliin namin, e, si Claudia mapait at naging malagim ang kanyang naging wakas,” sabi ni direk Ruel.
Sang-ayon din dito si direk Ted, “Yes, si Amor.”
“Ako si Amor, matalino, matapang, sosyal, love pero may puso hindi kamukha ni Claudia na matalino, matapang, sosyal pero walang puso,” say naman ni direk Jerry.
May patawang hirit na naman si direk Dado, “Pero direk (Ruel) si Claudia maraming naging dyowa. Ha-hahaha!”
Hirit naman ni direk Jerry, “Dado kahit na sino pa ang naging dyowa ni Claudia, lahat Pinoy, si Amor, Kano.”
Kaya nasabi na lang ni direk Ruel, “Feeling ko mas Claudia si Michelle Factoran (pangalang babae ni direk Dado).”
Sina direk Dado at Ted ang naging writer ng “Pangako Sa ‘Yo” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales na idinirek ni Rory Quintos.
At sa version naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay isa na si direk Dado sa direktor kasama sina direk Rory, Mae Cruz-Alviar, Richard Arellano, Will Fredo, Richard Somes, Direk Cathy at Olive Lamasan.
Kaya sabi ni direk Cathy, “Ay lahat ba tayo naging parte ng Pangako Sa ‘Yo?”
Mabilis na sagot ni direk Ruel, “Hindi ako nagdirek ng Pangako, pero fan ako ng teleseryeng ‘yan.
Oo nga, sino nga ba ang hindi nagkagusto sa classic love story nina Ina Macaspac at Angelo Buenavista?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.