Duterte, may public address sa Lunes
May nakatakdang public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 24.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Davao lamang ngayon ang Pangulo.
Pero bagaman nasa Davao, hindi bakasyon kundi trabaho pa rin ang ginagawa ni Duterte.
Tambak aniya ang mga dokumento na kailangang pag-aralan at pirmahan ng Pangulo.
Agosto 3 nang umuwi ng Davao si Pangulong Duterte at hindi pa bumabalik sa Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending