Hugot ni Gloc-9: Music is for everybody, mayaman o mahirap, kilala man o hindi
PARA sa lahat ang musika, wala itong pinipiling estado sa buhay.
Yan ang laman ng mensahe ng award-winning OPM icon na si Gloc-9 patungkol sa mga nangangarap na maging singer, songwriter o musician.
Nag-post si Gloc-9 sa Instagram account ng kanyang hugot na pinaniniwalaang sagot niya sa issue ngayon na mas nabibigyan ng opportunities ngayon ang mga kilalang anak ng celebrities sa music industry kesa sa mga musician na walang koneksyon.
Isa na nga riyan si Michael Pacquiao, anak ni Sen. Manny Pacquiao na nag-viral at trending pa rin ngayon dahil sa galing niyang mag-rap.
Hit na rin ngayon ang original song niyang “Hate” matapos siyang mag-perform sa Wish 107.5 bus. Imagine, ilang araw pa lang na-upload ang video nito sa YouTube, more than 7 million views na ang nakuha nito.
Narito ang Instagram post ni Gloc-9, “Music is for everybody. Mayaman o mahirap, kilala man o hindi.
“Maaaring mas madali para sa iba dahil mas may resources sila pero hindi ito basehan kung sino ang mas karapat-dapat.
“Ang tanong ay kung gaano mo ito kamahal at pagtatrabahuhan. Kaya mo ba itong ipaglaban kahit mahirapan ka at tila walang pumapansin sa ‘yo, o kapag parang walang nangyayari ay tatalikuran mo?
“Lagi nating tatandaan na sa kahit na ano mang inaasintang pangarap, kapag umayaw ka, doon ka lang matatalo. Laban! Tumba! Tayo! Laban ulit!” lahad ng award-winning rapper-songwriter.
Ilan sa mga kantang pinasikat ni Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay, ay ang “Magda,” “Halik,” “Sirena” at “Upuan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.