Nueva Ecija, Batangas, Quezon, ilang lugar sa Visayas ipapailalim sa GCQ | Bandera

Nueva Ecija, Batangas, Quezon, ilang lugar sa Visayas ipapailalim sa GCQ

Karlos Bautista - August 15, 2020 - 10:10 AM

Nakaabang ang ilang empleyado sa kanilang company shuttle service sa Commonwealth Avenue sa Tandang Sora, Quezon City noong Agosto 4 matapos na muling isailalim ang Metro Manila sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine. (Grig C. Montegrande/Inquirer)

Isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Batangas at Quezon mula Agosto 16, o ngayong Linggo, hanggang Agosto 31.

Mananatili naman ang Cebu City na nasa GCQ, ayon sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Kabilang sa mga lugar na isasailalim sa GCQ ay ang Iloilo City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion sa lalawigan ng Cebu.

Mananatili naman ang natitirang bahagi ng bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), bagamat may ilang probinsya at mga siyudad na nagpapatupad ng mas mahigpit na patakaran ng MGCQ.

Samantala, para sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, iaanunsyo pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification ng mga lugar na ito bago matapos ang ipinatutupad na mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine sa darating na Martes, Agosto 18.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending