Alex binalaan ang publiko sa pekeng ‘Cathy Gonzaga’ para iwas-scam
MAY gumagamit sa pangalan at profile photo ni Alex Gonzaga sa social media.
Binalaan ng TV host-actress ang madlang pipol na mag-ingat sa isang netizen na nagpapanggap na siya sa YouTube.
Nalaman ni Alex na ang nasabing poser ang nagko-comment sa mga video ng ilang content creators sa YouTube.
Ginagamit nito ang kanyang identity sa social media at pinapaniwala na siya ang kapalitan ng message ng YouTubers at mga netizens.
“I have been receiving reports about me joining YouTube live streams.
“There are several YouTube contents and Facebook posts of me leaving comments on the said videos. Please be aware that this is not my doing.
“Poser accounts are using my name and profile photo to comment on these livestreams,” warning ng vlogger sa publiko.
Ani Alex, kailangan niyang ipaalam sa madlang pipol ang tungkol dito bago pa makapambiktima o makapanloko ng mga tao.
Alam naman daw ng lahat na naglipana ngayon sa social media ang mga scammers, lalo pa’t patuloy ang pagdami ng taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
“While I have been and always will be in full support of small and starting YouTubers, it is best if we verify these interactions first.
“This is just to be clear in case the poser will do anything in the future that may cause drama and damage to our fellow YouTubers,” paalala pa ni Alex.
Isa ang TV host-vlogger sa iilang local celebrities na may mahigit 8 million subscribers sa kanyang YT channel. Ibig sabihin, milyones na rin ang kinikita niya sa pagba-vlog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.