Aga tinanggihan lahat ng project ngayong 2020; entry sa MMFF, sitcom inayawan na rin | Bandera

Aga tinanggihan lahat ng project ngayong 2020; entry sa MMFF, sitcom inayawan na rin

Reggee Bonoan - August 13, 2020 - 06:00 PM

KAARAWAN ni Aga Muhlach kahapon pero wala pa siyang paramdam kung paano niya ito ipinagdiwang.

Kasama ngayon ng aktor ang kanyang pamilya na nagbabakasyon sa kanilang rest house sa Batangas. Doon muna sila habang may community quarantine sa Metro Manila.

Pero binati naman siya ng asawang si Charlene Gonzales-Muhlach kahapon sa pamamagitan ng Instagram.

“Happy Birthday my Love, @agamuhlach317. You have a golden heart & your kindness continues to shine bright. Love you very much, B,” mensahe niya sa asawa.

Mukhang sinadya ni Aga na mag-lie low muna sa showbiz habang hindi pa natatapos ang COVID-19 pandemic dahil halos lahat ng offers niya ngayong 2020 ay tinanggihan niya.

Sa pagkakaalam namin ay gagawa dapat siya ng pelikula sa Viva Films para sa 2020 Metro Manila Film Festival pero hindi na nga ito matutuloy dahil ayaw niyang mag-shoot ngayong taon.

Gayun din ang offer sa kanya ng dalawa pang movie outfit na hindi rin niya tinanggap kahit gustung-gusto niya ‘yung isang project.

Maganda ang pinitch na story sa aktor at first time niya rin sanang makakatrabaho ang mga producer na pawang award winning ang mga pelikulang ipinrodyus.

Bukod sa pelikula ay balitang may offer din sa kanyang sitcom ang kilalang TV producer na gustong mag-block time sa TV5, pero hindi rin niya ito tinanggap.

Pero ayon sa aming source, open na ang aktor sa muling pagtatrabaho sa 2021.

Sa pagkakatanda namin ay ayaw na ni Aga na tumanggap ng TV series dahil matagal at patayan daw ang taping.

Pero since may health protocol na hanggang 12 hours na lang ang pagtatrabaho ay posibleng pag-isipan na ito ng aktor, lalo’t sitcom ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling namin, nami-miss na rin niyang magpatawa ng audience.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending