Sinu-sinong direktor ang nalaglag ang panty kina Piolo, Lloydie, Rustom at Lito Pimentel?
SOBRANG dami palang production staff na ngayo’y mga sikat ng direktor ang “nalaglagan ng panty” kay Piolo Pascual.
Kapag gumagawa kasi ito ng pelikula ay basta na lang daw maghuhubad para magpalit ng damit, hindi uso sa aktor ang gumamit ng tuwalya o pumunta sa dressing room.
Sa “Paha-bowl” o part 2 tsikahan ng mga direktorang sina Cathy Garcia-Molina, Sigrid Andrea Bernardo, Antoinette Jadaone, Irene Villamor at Mae Cruz na mapapanood sa Nickl Entertainment YouTube channel ay natanong sila kung kanino sa mga aktor sa showbiz ang nalaglag ang panty nila at dapat nila itong pangalanan.
Humirit kaagad si direk Sigrid, “Ano ba ‘yan, lugi ako kasi kayo ang dami ninyong nakatrabaho. Ako si Empoy pa lang. Nalaglag ako at napilay. Nalaglag ang buong pagkatao ko kay Empoy. Nakakainggit kayo kasi ang dami ninyo nang naka-work.”
Si direk Irene ay kinilig nang husto kay Piolo nu’ng ginawa nila ang pelikulang “Don’t Give Up On Us” (2006) sa Sagada na idinirek ni Joyce Bernal.
“Nu’ng mahaba ang hair niya, scriptcon ako tapos nagpapabasa siya mahilig siyang (Piolo) magpalit ng costume kung saan-saan lang kaya pag nagtanggal siya ng pantalon, tanggal din yung panty ko. Ha-hahaha!
“E, nagpapabasa siya. Sabi ko, ‘sir, ikaw ang aking kalawakan,’ tapos nagre-revise kami ng script sabi ko, ‘ano ba ‘yan, ‘wag ka nga maghuhubad sa harapan ko.”
Nagkatawanan ang lahat sa kuwentong ito ni direk Irene na pinakatago-tago niyang alaala kay Papa P.
Ang suwerte ni direk Irene ha, after Piolo, may Dindong Dantes pa siya na nakasama niya sa “Stairway to Heaven” (2009) bilang AD (assistant director) dahil inakbayan siya noong nakaupo sila sa bench at ang location ay sa Tagaytay kaya nagpa-picture siya.
Nagmaktol na naman si direk Sigrid dahil, “Ano ba talaga, inggit na inggit ako, kahit nu’ng AD ako wala. Marami akong gustong maka-work pero wala, eh.”
Si Aga Muhlach naman ang dahilan kung bakit nalaglag ang panty ni direk Mae.
“Saan ba ako magsisimula, ako, crush ko si Aga nu’ng sa Bagets (movie) nu’ng bata ako, kung baga isa ako sa pumila para manood ng Bagets.
“Na-experience kong manood ng sine na hindi mo na naririnig ‘yung dialogue na tumitili lang ‘yung mga girls na pag close-up na si Aga, humihiyaw na lahat.
“Then finally nu’ng nakita ko na siya sa personal nu’ng nasa industriya na ako na-starstruck talaga na ito ‘yung tinitilian ko noon sa sinehan tapos heto na (kaharap ko).
“First time ko siyang nakilala, nagsu-shoot kami ng Anak (2000) sa airport tapos late siya sa flight niya, dumaan siya, nag-hello. Hindi pa siya na-introduce ever sa akin, siyempre pag AD ka, ang ingay-ingay tapos nu’ng ipakilala siya sa akin, bigla na lang (pa demure) biglang gumanu’n na ako tapos sabi ko sa mga kasama ko, ‘ano itsura ko?’ Sabi nila, ‘mukha kang tanga, natulala ka na lang doon.’
“Tapos finally naka-work ko na siya sa Kailangan Kita (2002), si Claudine (Barretto) mahilig magdala ng mga treatment-treatment (sa buhok) nasa picture boat kami, nasa laot kami, sabi ng Claudine Barretto, ‘meron akong treatment para sa buhok, gaganda talaga ang buhok mo, subukan mo!’
“Nasa boat tayo, paano natin ito susubukan. Sabi ni Aga, ‘isa-shampoo kita’, so ako naman parang (kinilig) ako. Kahit hindi naman ako naniniwala sa treatment na ‘yun, isa-shampoo mo ako, sige go! Feeling ko slow mo (motion) ‘yung pag-shampoo sa akin ni Aga ‘yun ang aking pinaka (kilig-laglag panty).
“Then si Papa P (Piolo) naman always, pag nakita mo siya, parang may natural instinct ka na yayakap ka tapos aamuyin mo siya, automatic kahit hindi mo gusto, ayan na yayakap ka na lang,” balik-alaala ni direk Mae.
Kuwento naman ni direk Tonette, “Ako po si Piolo rin, nagkatrabaho kami ni Irene, AD siya tapos ako scriptcon sa Paano Kita Iibigin (2007), kay ate Regs (Regine Velasquez) at Piolo tapos parang merong fitting ng costume parang may camera test sa may PETA.
“Tapos di ba, kapag ikaw scriptcon, ikaw susundo sa artista. Hindi po kasi ako nai-starstruck masyado sa mga artista, mas na-starstruck ako sa mga nasa likod ng camera, so, una kong nakita sina Charlie Peralta, Marya Ignacio, direk Joyce (Bernal), so nu’ng sinundo ko siya (PJ), bumaba siya sa van niya, tapos parang naging slowmo (slowmotion) inilawan siya ni tatay Cha (Charlie), sabi ko, ay artista siya, ganito pala ang feeling, e, first film ko, so na starstruck ako sa mundo ng showbiz.”
Binuhay naman ni direk Cathy si Rustom Padilla dahil talagang guwapung-guwapo siya rito.
Aniya, “sobrang bait na hindi mo mararamdamang scriptcon ka lang, napaka-accomodating, well sa kanya talaga unang nalaglag panty ko.
‘’‘Yung pangalawa, sa maniwala kayo sa hindi, kay Lito Pimentel, o di ba hindi kayo naniniwala, bakit ganyan mga mukha nyo? Dati kasi napapanood ko lang siya sa Manok ni San Pedro, e, komedyante pa.
“Nu’ng ginawa namin ‘yung Marinella (1999) tapos kinuha ako ni Eric Reyes as second unit director, pagdating ko sa set nagulat ako talaga, hindi ko alam na pogi pala siya sa personal, ang ganda-ganda kasi ng ilong niya tapos at that time, physically fit, pero ganu’n lang, after no’n wala na.’’
Ay, me paha-bowl pa, naalala na ni direk Sigrid na nalaglag ang panty niya kay John Lloyd Cruz.
“Sa Lav Diaz film (Hele sa Hiwagang Hapis 2016), artista ako ro’n, e, wala si John Lloyd, ang kaeksena ko si Piolo, okay lang naman sa akin si Piolo, pero iba talaga ang dating ni John Lloyd.
“E, lahat sila alam nila crush ko si John Lloyd, so okay lang, tapos biglang may dumating na SUV, hinarangan ako tapos ibinaba nu’ng mga kasama ko sa back seat, ‘Sig, silip ka sa driver’s seat’, so ako naman sumilip tapos biglang bumaba ‘yung window, si John Lloyd pala, sabi niya, ‘hi’ so kinilig ako. Ha-hahaha!”
Ang saya-saya ng talakayan ng limang direktora at pinasalamatan isa-isa ni direk Cathy ang kanyang guests dahil nagtiwala sa show nila, “for trusting some of your secrets. And I hope, sana makabalik na tayo soon sa pinilakang tabing, makapagpalabas na ulit tayo para sa manonood natin.
“At sa mga nanood sa atin, who thought na mga obra ang nagawa natin ay maraming salamat sa kanila and hope one say, makapag gawa tayo ng show for director wannabes para makapagbigay tayo ng konting tulong sa kanila because I know naman na someday we will go and they fill our places.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.