Joshua, Julia nag-asaran sa presscon ng Love Unlock: Mas pinili naming i-save ang friendship | Bandera

Joshua, Julia nag-asaran sa presscon ng Love Unlock: Mas pinili naming i-save ang friendship

Ervin Santiago |August 12,2020
facebook
share this

Joshua, Julia nag-asaran sa presscon ng Love Unlock: Mas pinili naming i-save ang friendship

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 09:36 AM

 

MAS pinili ng ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia na i-save ang kanilang friendship kesa tuluyang magkalayo after their break-up.

Hindi man sila nagkatuluyan bilang lovers sa tunay na buhay, napanatili naman nila ang kanilang pagkakaibigan.

Kaya naman wala ring issue kung pagsamahin uli sila ng ABS-CBN sa mga bonggang projects. Tulad na lang ng original digital special na “Love Unlock: E-Numan” na eksklusibong mapapanood sa Kapamilya Online Live ngayong Sabado (Aug. 15), 7:30 p.m.

“Kasi sayang, e. We had a lot of good memories together. We were also friends before we became lovers.

“So we just wanted to go back to that and save the friendship,” paliwanag ni Julia.

Dagdag ng dalaga, “We were able to work at peace. We were able to come face to face at peace. Talk to each other at peace.

“Grateful ako kasi pina-mature talaga kami ng panahon ni Josh.”

Pero may ilangan ba sa pagitan nila ni Julia nang gawin nila ang “E-Numan” for “Love Unlock”?

“Parang wala naman. Simula nu’ng naghiwalay kami, ang sama pakinggan nu’ng naghiwalay. Hindi naman kami nawalan ng connection sa isa’t isa.

“Parati namang nagkaka-text kami. Nagpunta pa ako sa bahay n’yo before, di ba?” tanong ni Joshua kay Julia na sumagot ng, “Yeah, ilang beses.”

Chika pa ni Joshua, “May mga times kaming ganu’n. Baka feeling lang ng mga tao kasi siyempre naghiwalay kami, pero wala naman po.”

Samantala, natanong din ang dalawa tungkol sa pag-unfollow ni Julia kay Joshua sa Twitter at Instagram ilang buwan na ang nakararaan.

Ito’y matapos mag-viral ang pag-follow uli ni Julia kay Joshua sa Twitter na ikinakilig talaga ng JoshLia fans.

Sagot ni Joshua, “Pinag-usapan din natin ‘yan before pa, e. Nagkatawanan tayo before sa eroplano.

“Parang second day na nu’n na in-unfollow niya ako. Pagkakita ko sa kanya, sabi ko, ‘In-unfollow mo ako?’ Pinagtawanan lang namin.”

Singit naman ni Julia, “Palagi niya ako tinutukso bakit ko daw siya in-unfollow.”

Aliw na aliw naman ang members ng press sa pag-aasaran ng mag-ex lalo na ng sabihin ni Joshua kay Julia na hindi pa rin daw siya pina-follow ng ex-girlfriend sa Instagram.

Tawa naman nang tawa ang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa ni Julia, “And we’re both really at ease with each other. And nakakapag-asaran pa kami, like what we’re doing right now. It’s so nice to have that.

“And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we’re in a very good place right now.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending