Gerald nakiusap na wag munang pag-usapan si Julia: Respeto na rin po siguro... | Bandera

Gerald nakiusap na wag munang pag-usapan si Julia: Respeto na rin po siguro…

Ervin Santiago |August 12,2020
facebook
share this

Gerald nakiusap na wag munang pag-usapan si Julia: Respeto na rin po siguro…

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 09:28 AM

 

 

IWAS na iwas pa rin si Gerald Anderson na pag-usapan ang hindi pa rin mamatay-matay na issue sa kanila ni Julia Barretto.

 

Muling natanong ang Kapamilya hunk actor tungkol dito nang humarap siya sa online presscon ng bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang original digital special na “Love Unlock”.

 

Marami pa rin kasi ang naniniwala na ang status ng kanyang lovelife ngayon ay “in a relationship” kaya ang tanong sa kanya ay kung totoo bang sila ni Julia.

 

“The more that you are silent about it, the more that chismosos and chismosas are insisting about it. Paki-unlock mo nga iyang love rumors na iyan once and for all,” ang hirit kay Gerald.

 

“Ang ganda ng segue, ha,” natawang sagot ni Gerald. “Siguro unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.

 

“Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon. Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan,” aniya pa.

 

Actually, back to back ang naganap na “Love Unlock” presscon kahapon. Una munang humarap sa press sina Julia at Joshua Garcia para sa episode nilang “E-numan” na sinundan nina Gerald at Arci Muñoz for “Hook-up”.

 

Samantala, apat na taong magpapalaya sa kanilang tunay na nadarama ang mapapanood sa dalawang kwento ng pag-ibig na handog ng original digital special na “Love Unlock” na eksklusibong mapapanood sa Kapamilya Online Live ngayong Sabado (Aug. 15), 7:30 p.m.

 

Matutunghayan sa palabas ang muling pagsasama ng mga minahal na tambalan nina Julia  at Joshua at nina Gerald  at Arci sa back-to-back mini movies na magdadala ng saya, kilig, at kurot sa puso ng mga manonood.

 

Mapapanood sa “E-numan” sina Julia at Joshua bilang dating magkasintahang muling mag-uusap sa isang online reunion kasama ang kanilang mga kaibigan.

 

Sa gitna ng pagbalik nila sa nakaraan, mabubuksan ang mga alaala na muntikan nang sumira sa kanilang barkada at muling magdudulot ng gulo sa kanilang samahan.

 

Sa “Hook-Up,” mapapanood sina Gerald at Arci bilang magkasintahang susubukang ipadama ang init ng kanilang pagmamahal gamit ang online video call. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mauuwi ito sa pagdiskubre sa mga sikretong babago sa takbo ng kanilang relasyon.

 

Ang “Love Unlock” ay sa  direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa “Love Unlock,” mapapanood din sa Kapamilya Online Live ang iba pang Kapamilya shows nang libre. Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula 7:40 a.m. hanggang 10 p.m.. Sa Facebook, may regular na timeslot ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending