Pangulong Duterte unang magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 | Bandera

Pangulong Duterte unang magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 11, 2020 - 06:54 PM

Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko kapag dumating na sa bansa ang vaccine kontra COVID-19 na galing ng Russia.

Ayon sa pangulo, ito ay para maiwasan na ang satsat ng mga kritiko.

Ayon sa pangulo, nakausap na niya si Russian President Vladimir Putin at nangakong magbibigay ng bakuna ng libre.

Ayon pa sa pangulo, nakahanda siya na unang pag-eksperementuhan ng bakuna.

“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” ayon sa pangulo.

Sinabi pa ng pangulo na malaki ang kanyang tiwala sa pag-aaral ng Russia at ang lilikhaing vaccine ay para sa humanity.

Dagdag ng pangulo, may mga volunteer din aniya para magpaturok ng vaccine at oobserbahan kung ano ang magiging reaksyon ng katawan.

Maari aniyang maipamahagi na ang vaccine sa buwan ng Setyembre o Oktubre.

Kapag nagkataon, sinabi ng pangulo na asahan na na magkakaroon ng masayang Pasko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending