Bilang ng sugatang Filipino sa pagsabog sa Lebanon, nasa 47 na
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut, na nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipinong nasugatan bunsod ng pagsabog sa Lebanon.
Sinabi ng kagawaran na lima pang Filipino ang napaulat na sugatan.
Dahil dito, umakyat na sa 47 ang kabuuang bilang ng mga nasugatang Filipino dahil sa malakas na pagsabog.
“We are still thankful that the injuries sustained by our kababayans are not life-threatening. We also thank our Embassy personnel for taking prompt action,” pahayag nj Undersecretary Sarah Lou Arriola.
Inihahanda na ng kagawaran ang pagpapauwi sa Pilipinas ng mga bangkay ng apat na Filipinong nasawi.
Inahahanda rin ang DFA chartered flight para ma-repatriate ang mahigit 400 overseas Filipino workers (OFWs) na nais nang umuwi sa kani-kanilang pamilya.
Tiniyak naman ni Arriola na libre ang repatriation.
“The repatriation of our kababayans from Lebanon is free. We maintain that the DFA – your DFA – works for you,” ani Arriola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.