Maricel, Jodi, Sam umaming natakot sa pagbabalik-taping; bawas muna ang chika-chika | Bandera

Maricel, Jodi, Sam umaming natakot sa pagbabalik-taping; bawas muna ang chika-chika

Ervin Santiago - August 09, 2020 - 09:20 AM

 

INATAKE rin ng takot at pagkapraning ang mga bida sa bagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na “Ang Sa Iyo Ay Akin” nang magbalik-taping na sila.

Nag-share ng kanilang experience sina Maricel Soriano, Sam Milby at  Jodi Sta. Maria sa bagong sistema sa kanilang taping last June nang tanggalin na ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Sa ginanap na online mediacon ng serye kamakalawa, ibinalita ng cast na nag-stay sila sa isang hotel sa Quezon City para sa tatlong linggong lock-in taping.

Ayon sa nag-iisang Diamond Star, “May konting takot siyempre kasi ayoko magkaroon ng ganu’ng virus. Kaya lang, naiisip ko kasi na ang saya ko kapag nasa set kami.

“Alam mo, kahit na tuluy-tuloy kami pag sinabing ‘Cut!’ at ‘Take!’ kami agad wala na yung chika. Wala kami masyadong ganu’n,” sey pa ni Maria.

Hirit pa niya, “Nakakapag-chika lang kami pag konting ganu’n tapos magri-reading na kami, blocking, then take na kaagad. Yung ganu’n.

“Siyempre nakaka-miss yung dati di gaya yung may konting chika muna, yung ganu’n. Nakakapag-tape pa rin kami,” dagdag pa ng movie icon.

Sey naman ni Sam, “Of course siyempre nandu’n yung takot but I really appreciate the production and everyone that did the necessary precautions para sa safety namin. We did the testing beforehand.

“Kapag nasa set nandu’n lagi yung medic, dapat laging naka-face mask before we do takes. All the necessary precautions are done beforehand and even on the set to make sure para sa safety namin. So bawas sa takot,” ani Sam.

Sabi naman ni Jodi, “Before we started naman taping in the new normal, binigyan naman kami ng mga guidelines and protocols na kailangan namin sundin bago kami mag-taping. The company made sure na yung guidelines na yun ay sang-ayun din sa guidelines na inimpose ng IATF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I would say na hindi mawawala siyempre yung pangamba dahil bukod sa pagiging artista, nanay din naman ako, may anak din naman ako, may kapatid ako, meron akong mga bagay at mga tao na iniisip hindi lang ang sarili ko.

“But then, I would always tell myself, if God allowed us to carry on with this project, then he would provide us with everything that we’ll need para mapagtagumpayan namin ito and kasama na diyan yung protection,” paliwanag pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending