Mangudadatu, may kabit umanong dating beauty queen, casino exec
Nagpyesta ang netizens matapos akusahan ni Mylene Mangudadatu sa social media ang kanyang asawang si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu ng pangangaliwa.
At ayon sa mga nag-viral na Facebook posts ni Mylene, isang dating beauty queen at isang executive sa big-time na casino sa Parañaque ang kinahuhumalingan ng kanyang mister.
Tumanggi namang magbigay ng kanyang panig si Cong. Mangudadatu, ayon na rin umano sa payo ng kanyang abogado.
Sa mga nagbabagang pahayag, sinabi ni Mylene na winarningan pa nya umano ang beauty queen na wala ring magandang patutunguhang ang relasyon nya sa kongresista.
“Hindi ako nagkulang ng warning sa babaeng yan na magiging kawawa din siya soon dahil itatapon lang din siya ni Toto,” wika ni Mylene sa Facebook post na sa kasalukuyan ay may mahigit nang 700 shares.
Pero sa halip, sya pa raw ang inaway ng dating Miss Asia Pacific International beauty.
Sinabi pa ni Mylene na ultimong beauty treatment ng nanay ni beauty queen at byahe sa labas ng bansa ay si congressman pa ang gumagastos.
“Eh un nanay nya kung magpa-botox si Toto pa magbabayad (grabe ka-opurtunista ng mag-ina),” wika ni Mylene. “Lumabas ng bansa kasama ang nanay at kapatid na lalaki pa, lahat si Toto ang nagbayad.”
“Pera naming mag-asawa ang ginagamit sa pagmamayabang nya,” sabi pa ni Mylene sa Pinay beauty na binansagan niyang “wicked stepkabit.”
Samantala, sinabi ni Mylene na ang isa pang babaeng kinahumalingan umano ng mambabatas ay “napulot ni Toto sa time na nagkakalabuan kami ni Toto kasi nahuli kong may nabuntis na naman.”
Ito umano ay nagtatrabaho bilang assistant manager sa big-time na casino sa Parañaque.
Dalawa umano ang naging anak dito ng mambabatas.
Sa kanyang text message sa INQUIRER.net, sinabi naman ni Congressman Mangudadatu na hindi na muna sya magsasalita hinggil sa mga isyung ibinabato sa kanya ni Mylene.
“Much as I would like to respond, my legal counsel has advised me otherwise as the matter has already been blown out of proportion all courtesy of MYLENE Maligaya’s actions,” ani Mangudadatu, na ang asawang si Bai Gigi ay kabilang sa mga pinaslang sa Maguindanao massacre noong 2009.
“I defer to my legal counsel’s advice not only because of its inherent soundness but also because as a public officer and a gentleman, I honestly believe that marital spats are meant to be resolved privately and within the family circle and not in the social media.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.