Duque asar-talo kay Frankie: Paano kaya siya nakakatulog sa gabi? | Bandera

Duque asar-talo kay Frankie: Paano kaya siya nakakatulog sa gabi?

Ervin Santiago - August 06, 2020 - 11:38 AM

 

SA kabila ng sunud-sunod na panawagan na mag-resign na siya sa pwesto, mukhang dedma pa rin si Health Secretary Francisco Duque III.

Hindi lang mga public officials at mga ordinaryong tao ang nananawagan sa pagbibitiw niya sa pwesto kundi pati na rin mga local celebrities.

Naniniwala sila na sumablay at palpak ang pagtugon ng DOH sa health crisis sa bansa kaya dapat na umano siyang palitan at patalsikin sa posisyon.

Isa sa mga bumatikos kay Duque ay ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie na nagsabing napaka-incompetent bilang pinuno ng DOH.

Ani Frankie, hindi niya raw alam kung paano pa nakakatulog sa gabi ang kalihim sa gitna ng patuloy na pagdami ng COVID cases sa bansa.

“How does Duque sleep at night? The severe lack of empathy anyone would need to be that unapologetically incompetent is seriously beyond understandable it’s so deeply unsettling,” tweet ni Frankie.

Sinang-ayunan naman ng mga netizens ang hugot ng dalaga kay Duque pero as usual may kumontra rin at kumampi sa DOH official. Hindi naman daw inutil ang kalihim, sadyang mahirap lang daw talaga ang trabaho nito ngayong may pandemya.

Bago ito, hinikayat din ama ng dalaga na si Sen. Kiko si President Rodrigo Duterte na palitan na si Duque at tanggaIin na rin ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa gitna na rin ng isyu ng corruption sa PhilHealth.

“Maawa naman sana sila sa ating mga kababayan. Maawa sila sa taumbayan. Palitan na po si Duque bilang DoH secretary at IATF head. Maghanap ng mas mayroong kakayahang sugpuin ang kambal na sakit ng COVID at kurakot.

“Siya ang dating presidente at ngayon ay chairman of the board ng PhilHealth. Hindi pwedeng wala siyang pananagutan sa P15-bilyong iskandalong ‘yan,” ayon sa senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending