‘Pooled’ COVID-19 testing sa Makati
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - Bandera August 06, 2020 - 09:59 AM
Magsasagawa ng “pooled COVID-19 testing” sa Makati City.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang pooled testing ay bagong paraan upang sabay-sabay na maisailalim sa test para sa COVID-19 ang isang grupo o komunidad.
Unang sasailalim sa test ang mga drayber ng pampublikong sasakyan pati na rin ang mga nagtitinda sa palengke.
Ani Binay, sila kasi ang higit na exposed sa virus.
Target ng Makati City LGU na maisailalim sa test ang mahigit 10,000 mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending