Wacky Leaks | Bandera

Wacky Leaks

Den Macaranas - August 05, 2020 - 01:10 PM

Malinaw ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa telecom industry sa nakalipas niyang State of the Nation Address (SONA).

Binigyan ng hanggang sa buwan ng Disyembre ang Globe Telecom at Smart/PLDT para ayusin ang kanilang hindi maayos na serbisyo sa publiko.

Dahil din sa SONA ay nadiskubre ang ilan pang mga problema na nakapaloob sa information technology industry sa bansa.

Pinakamalala dito ang problema sa pagkuha ng permits sa ilang government units para sa pagtatayo ng kinakailangang mga imprastraktura.

Bigla ko tuloy naalala na sa pagdinig ng Senate Public Services Committee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe na marami rin pala tayong isyu na dapat bantayan sa pagpasok sa telecom industry ng tinaguriang “Third Player” na Dito Telecommunity.

Dahil minana lamang ng Dito (dating Mislatel) ang kanilang prangkisa kaya hindi ito isang bago o 25-year contract.

Sa komite ni Poe ay lumitaw na hanggang 2023 lamang ang hawak na prangkisa ng nasabing telecom firm.

Sa pagdinig rin ng nasabing komite ay lumitaw na kailangan nilang maibigay ang kanilang mga ipinangakong magagandang serbisyo hanggang sa July 2021.

Hanggang sa taong 2023 lamang ang hawak na prangkisa ng Dito na binubuo ng kumpanyang Udenna Corp. ng Davao-based businessman na si Dennis Uy at China Telecom.

Sa loob ng isang taon ay kailangan nilang maitayo ang ipinangako nilang 2,500 cell sites, 27Mbps na internet speed sa mas murang halaga at 37-percent coverage ng kabuuang populasyon ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa higit sa 600 cell sites pa lamang ang kanilang naitatayo at humihirit na sila ng six-month extension dahil natigil raw ang kanilang proyekto dahil sa pandemic.

Mahalaga ring bantayan ng mga state regulators ang sinabi ni Poe na P25 Billion performance bond na dapat bayaran ng Dito kapag nabigo silang tuparin ang kanilang mga ipinangako kapalit ng ipinagkatiwala sa kanilang prangkisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mas maayos na telecom industry sa bansa ay dapat matiyak na binabantayan ito ng pamahalaan nang walang pinapaburan alinman sa mga tinaguriang industry players.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending