Liza Diño nakachika ang 'tambay' na COVID patient sa NKTI | Bandera

Liza Diño nakachika ang ‘tambay’ na COVID patient sa NKTI

Ervin Santiago - August 05, 2020 - 11:08 AM

 

 

NAGBIGAY ng update si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño sa medical condition ni John Regala.

Isa si Liza sa mga personal na tumutugon sa pangangailangan ng veteran actor na nakikipaglaban ngayon sa sakit na liver cirrhosis at iba pang kumplikasyon dulot nito.

Nauna rito, kinumpirma ng dating child star na si Chuckie Dreyfus na base sa blood chemistry results ng magaling na aktor, medyo hindi na stable ang kundisyon ng kanyang atay.

“Earlier (Monday), Dra. Melissa Sinchongco visited John because he was complaining of excruciating pain. John’s recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad,” aniya.

Sa kanyang Facebook page, naikuwento ni Liza ang naging experience niya nang dalawin niya si John sa ospital at ang “pakikipag-usap” niya sa isang COVID-19 patient.

Pero ayon sa asawa ni Ice Seguerra, wala siyang idea na may mga “nakatambay” sa isang bahagi ng NKTI na nahawahan ng virus.

“I went to National Kidney Tranplant Institute (NKTI) tonight to check on Kuya John Regala because he was rushed to the ER earlier this afternoon.

“Sa loob ng NKTI, I saw an RCBC, so I went towards the bank to go to the ATM. Hindi ko makita. I ended up in an area na puro emergency tents at sa may gilid ay may dalawang mama na nakatambay. Nakaupo sila sa may bench.

“Manong: Miss Ano pong hinahanap nyo?
“Me: ATM po.
“Manong: Ah ganon ba? Nandito sa may likod namin.
“Me: Ayun naman pala. (Dadaan na sana ko…)
“Manong: Pero miss, covid positive kami ah.
“Me: Ha? Uhh, o sige po di bale na lang…

“Wow, manong, kaswal na kaswal… Pero at least honest ka. Hehe.

“Note: Malayo naman ako sa kanila. As in more than 2 meters away. I was wearing an N95 mask, sila rin naman nakamask. At well-ventilated yung area. Siguro naman di ako dapat kabahan,” ang pahayag ni Liza.

Patuloy pa niya, “Anyway, for the latest on Kuya John: He is still in the ER. All patients na iaadmit sa loob ng hospital need to be swabbed first before entering the hospital.

“We are waiting for him to be given a room. Let’s hope na mabigyan sya agad ng kwarto dahil makeshift ER lang yung kinalalagyan nya ngayon.

“Sa lahat ng mga agarang nagresponde para maasikaso si kuya John, salamat.

“Tita Aster, you really are like a mom to him. Kahit nakakapanic, sobra sobra ang concern mo sa kanya. He is lucky kasi nandyan ka to look out for him. Ate  Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus na lagi ring nakatutok kay Kuya John, nakakabilib ang dedication nyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“UPDATE: We were just informed na available na ang room for him. As soon as cleared na sya from the swab test, pwede na syang malipat ng kwarto.

“Let’s all pray for his recovery.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending