Kris papayagang makipag-date si Bimby pero may kundisyon... | Bandera

Kris papayagang makipag-date si Bimby pero may kundisyon…

Ervin Santiago |August 05,2020
facebook
share this

Kris papayagang makipag-date si Bimby pero may kundisyon…

Ervin Santiago - August 05, 2020 - 10:28 AM

 

PAYAG si Kris Aquino na manligaw o makipag-date na ang anak niyang teenager na si Bimby, sa isang kundisyon.

Dahil napakabilis na nga ng panahon ngayon, ine-expect na ni Kris na anytime soon ay magkakaroon na rin ng sariling buhay ang bunso niyang anak.

Sa video interview kay Kris kung saan isa-isa niyang sinagot ang mga question na ipinadala ng press sa Cornerstone para sa launching ng kanyang bagong talkshow sa TV5, natanong siya kung ready na siya sa pagbibinata ni Bimby.

Paano kung manligaw at makipag-date na ang kanyang anak? Handa na ba siya? “Yes! But I want to join! Ha-hahaha! I told him, ‘Bim, later on, when the ano, when the cinemas are open again, you can ask anybody that you want to watch a movie! Kasi, nu’ng 12 ako, pinayagan akong manood ng sine sa States ng mom and dad ko!

“Because it was my mom who told my dad, that ‘You know, we’re in the States, you have to go with the culture. And you have to allow her.’ Nasaan na kaya ‘yung lalaking ‘yon? Ha-hahaha! Baka naman by now, naghiwalay na? Mahanap nga siya!

“Si Bimb, sinabi n’ya, ‘Oh, my gosh! And you’re going to bring cameras!’ Sabi ko, ‘No, I’m not. I’m going to let you have privacy.’ Okay,” natatawang pahayag ng TV host-actress.

Samantala, feeling independent na rin ngayon ang panganay niyang si Joshua na mas piniling mag-stay muna sa Tarlac kesa sa Manila.

“Kasi ‘yung ano, ‘di ba may programang nilulunsad ngayon, ‘yung Balik-Probinsiya? Si Kuya gusto nang tumira sa probinsiya.  Dumiretso siya sa tiyuhin niya. ‘I want to live in Tarlac,’ tinext niya.  So, ang safe answer nu’ng tiyuhin,  ‘You have to ask your mom’s permission.’

“Eh, siyempre, alangan namang ako ‘yung maging kontrabida? So, I said, ‘Sure, Kuya!’ Aba,  ang sinagot,  ‘You can have lola’s old room and we can share the house. So, as we speak now, titira na siya sa Tarlac.

“Pero ang sinabi ko, one week-one week si Kuya. Kasi, between the two, it’s really Kuya who loves living in the province, specifically, he loves Tarlac, because, happy memories siya doon with his lola.

“And we all know, ‘di ba, na minsan, love-hate ang relationship naming talaga ng only brother ko (dating Pangulong Noynoy Aquino). Pero, favorite talaga niya si… may soft spot siya for Kuya. So, hindi tinanggihan.

“Napagastos tuloy ako, dahil bagong aircon, may TV, heater, naglagay ng mga blinds, mga bagong sofa beds, mga gano’n. Tapos, gumawa siya ng sarili niyang team, may Team Josh! Sabi ko, ‘Okay!’ So, ako naman, ‘Sige, Kuya, go!’” chika pa ng Queen of All Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin naman ni Tetay na kung siya rin ang tatanungin, type rin niyang tumira sa probinsiya, “Honestly and I’m serious, I’m healthy when I’m in the province.

“So, part of my life goal is to work four days here in NCR or Metro Manila, and to live three days in the province. So, pinag-iipunan ko ‘yan,” pahayag pa ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending