outbrain

Jerry Yan muling pinakilig ang Pinoy fans; Barbie Hsu game sa tuksuhan

By Reggee Bonoan August 04,2020
share this

Jerry Yan muling pinakilig ang Pinoy fans; Barbie Hsu game sa tuksuhan

By Reggee Bonoan August 04,2020 - 03:33 PM

PAGBUKAS namin ng Facebook habang kumakain ng pananghalian ay sunud-sunod ang nakita naming video post mula sa ilang kaibigang super fan ni Taiwanese actor na si Jerry Yan.

Ito’y tungkol sa bago niyang Chinese drama series na mapapanood ngayong gabi, 8 p.m sa Youku and Mango TV.

Kuwento ito ng isang editor-in-chief (Jerry) at struggling fashion designer (Shen Yue) na nagkapalit ng estado sa buhay nang aksidenteng mahalikan nila ang isa’t isa.

Post ni Shen Yue, “Because kissing has exchanged luck, it is another way to say that I like you very much. Only with you, #我好喜欢你 This sentence will not be a waste! Regardless of whether they are together or not, the ritual sense of love cannot be absent~ @jerry_yan_official @shenyue. Today, I met the police station and Assistant Xiao Yo!”

Pinanood namin ang trailer ng bagong series ni Jerry, ang supladitong bida sa “Meteor Garden” noong 2002 bilang si Dao Ming Si. Inakala naming balik-tambalan nila ni ito ni Barbie Hsu o Shan Cai (leading lady niya sa MG) pero hindi pala.

Siya pala si Shen Yue, 23 years old na bagong leading lady ni Jerry sa “Count Your Lucky Stars” at sila rin ang kumanta ng original soundtrack na “I Like You So Much.”

Akalain mo, halos puwede nang maging anak ni Jerry, (43 years old) ang bago niyang leading lady pero base sa trailer ng “Count Your Lucky Stars” ay kinakitaan pa rin sila ng kilig.

Kaya nakasisiguro kaming may bago na namang kababaliwan ang mga loyal na tagahanga ni Dao Ming Si.

At ang nakakatuwa, biniro pa ni Shan Cai ang kanyang dating leading man sa promo photo nina Jerry at Shen Yue, “Dao Ming si! Who are you dating behind my back!”

Kaagad naman itong sinagot ito ni Jerry ng, “It’s Shan cai!”’ Na talagang ikinakilig ng kanilang Pinoy fans. Sabi nila, biglang nagbalik sa alaala nila ang matinding kilig na dulot ng dalawa sa “Meteor Garden.”

Sa nakaraang panayam kay Jerry ay natuwa siya sa komento ng dati niyang leading lady na si Barbie Hsu, “I just feel happy that the show is finally broadcast.”

At sa tanong kung sa tingin niya ay nagselos si Barbie sa bago niyang leading lady na mas bata sa una, sagot ng aktor, “But I am also dating Shan cai though.”

Samantala, hindi pa rin pahuhuli si Jerry sa itsura at pangangatawan sa kasalukuyang top favorite Korean Actors over 30 na pinangunahan nina Lee Min Ho, Hyu Bin, Lee Dong Wuk at marami pang iba.

Sabi nga ng mga nag-post ng teaser ng “Count Your Lucky Stars” patungkol kay Jerry Yan, “Our first love!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending