Jo Berry instant star sa Ecuador, Dominican Republic dahil sa ‘Onanay’, ‘The Gift’
ANG bongga talaga ng Kapuso actress na si Jo Berry!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang magaling na aktres na sikat na sikat na siya sa South America, lalo na sa Ecuador at Dominican Republic.
Instant star si Jo sa mga nasabing bansa matapos maging hit doon ang dalawa niyang Kapuso series na “The Gift” at “Onanay.”
Nakasama ni Jo sa “The Gift” ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards habang sina Mikee Quintos, Kate Valdez at Nora Aunor naman ang kasama niya sa “Onanay”.
Balitang pasok na pasok sa panlasa ng mga taga-South America ang kuwento ng mga nabanggit na teleserye ni Jo Berry na isinalin sa Spanish at kasalukuyang humahataw sa ratings game sa Ecuador at Domican Republic.
Bukod dito, bigla ring dumami ang Spanish-speaking fans ni Jo Berry, “Kinilig ako. Ginu-Google translate ko kasi some of them are messaging me hindi sa English.
“Nakakatuwa kasi naglaan din sila ng time para mag-message sa akin to tell me na nagustuhan nila ‘yung story,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA 7.
In fairness, dahil nga sikat na sikat na siya sa Ecuador, na-interview si Jo sa isang kilalanh morning talk show doon.
“Kinakabahan ako baka mali-mali ‘yung masagot ko kasi halo ‘yung kaba ko tsaka, siyempre, overwhelmed ako na marami ring nakakanood sa kanila. Kinabahan talaga ako,” pahayag ng Kapuso star.
Habang hindi pa nakakabalik sa trabaho si Jo dahil na rin sa COVID-19 pandemic, ibinubuhos ngayon ng dalaga ang panahon sa pagbe-bake.
“Inaalalayan pa rin ako ni Mama kung paano ‘yung mga ingredients pati ‘yung paano mag-adjust ng heat. Kasi nu’ng una palaging sunog,” kuwento ni Jo na namaster na ang paggawa ng banana bread at chocolate chip cookie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.