Kris saludo sa kabayanihan ng frontliners: They give their lives in order for us to live
NAPAKARAMING natutunan ni Kris Aquino habang magkakasama sila ng dalawang anak habang naka-lockdown ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa mas naging matibay at solid ang relasyon niya kina Joshua at Bimby, mas na-appreciate niya ngayon ang simpleng buhay at kung gaano talaga kahalaga ang pagmamalasakit ng mga Filipino sa isa’t isa.
“It was just the three of us, first time. So, we really love each other, but there are moments talagang hindi na rin kami nag-uusap.
“And you know, it’s not because we were in financial need, dahil alam kong napakasuwerte namin. So, ang inisip ko, I was trying to explain to my boys na, ‘You know, suwerte tayo ha? Pero let’s try na habaan natin ang pasensiya natin sa isa’t isa.
“And for most families, it can either bring you closer, lasi, that’s when you value the lives of each other more. Or, it can break you apart,” pahayag ng TV host-actress sa ginawang video para sa launching ng bago niyang talkshow sa TV5.
“Unfortunately, marami rin akong kakilalang naghiwalay na dahil dito. So, I think, nangyari ito because gusto tayong patibayin. Gusto tayong turuan na ‘yung mga maliliit na mga bagay dati, we took for granted. Ngayon dapat, mas bigyan natin ng halaga,” lahad pa ni Kris.
Patuloy pa niya, “I also believe that it showed us that we need to not live just for ourselves, but to live in order to help others. Kasi, parang ‘yun ang nawala?
“Hindi ko mabe-blame ha, kasi, uunahin mo naman talaga ang sarili mo at ang pamilya mo. But, kailangan, ‘yung buong bansa. Kasi, meron akong anak na 13 years old, eh. I know he will outlive me.
“So, it’s very important that after what I saw, that we take care with those with less,” sey pa ng Queen of All Media.
Samantala, dalawang beses na raw nakapunta sa mall si Kris at talagang nalungkot siya nang madaanan ang mga restaurant doon.
“I’ve been to the mall twice. And I really got really sad because so many of those restaurants in my previous incarnation (show), I featured them. Gustung-gusto kong makabangon ang mga restaurants, kasi, malapit sa puso ko ‘yun, eh,” aniya pa.
“Gustung-gusto ko talaga na, although Bimby’s on home school, that’s not an adjustment for him. Pero, finally, na-convince ko kasi, eh, na mag-regular school, tapos, eto ‘yung nangyari.
“So, kung anuman ‘yung magiging new normal, sana, maging mas mapabilis. Ngayon ko na-realize also the great sacrifice na ibinibigay ng health care workers. Because they give their lives in order for us to live,” ang mensahe pa ni Kris para sa kabayanihan ng mga frontliners.
Sa ngayon, wala nang mahihiling pa si Kris sa Diyos para sa sarili, “Ang kapal ko naman kung may hingin pa ako. So, all I do right now is I say ‘Thank you!’ And I start the day always with my worship playlist.
“Kasi, there’s a song with a phrase na ‘I’ll praise you in the storm.’ Don’t give up hope. Don’t blame this on God. Because Siya lang ang pag-asa natin ngayon,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.